|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kagawaran ng Edukasyon nakikipagtulungan sa local government units
SINABI ni Kalihim Bro. Armin Luistro, FSC na mayroong pagtutulungan ang kanilang tanggapan (Kagawaran ng Edukasyon) at ang mga pamahalaang lokal hinggil sa pagsususpinde ng klase sa pagsisimula ng tag-ulan. Magugunitang nagdeklara na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na nagsimula na ang tag-ulan.
May koordinasyon na ang Kagawaran at mga pamahalaang lokal upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kanilang mga guro.
Sinabi ni Undersecretary for Regional Operations Rizalino Rivera na ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro ang kanilang prayoridad. Ayon sa Executive Order No. 66 series of 2012 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, sa kawalan ng typhoon signal warnings, ang localized cancellation o suspension ng klase at paggawa sa mga tanggapan ng pamahalaan ay maipatutupad ng gobernador o punong-lungsod o punong-bayan bilang pinuno ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa pakikipagtulungan sa PAGASA at NDRRMC lalo na sa mga binabaha at mapanganib na pook.
Ang automatic suspension ay tulad pa rin ng nakalipas na panahon. Ang Storm Signal No. 1 ay nangangahulugan ng suspension ng klase sa kindergarten. Signal No. 2 ay para sa kindergarten, elementary at high school at ang Signal No. 3 ay mula kindergarten hanggang kolehiyo kabilang na ang graduate schools at tanggapan ng pamahalaan.
Samantala, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte na kailangang mag-anunsyo ang mga local government units ng weather-related class suspensions bago pa man umalis ang mga bata sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay Atty. Valte, inulit na nila ang panawagang ito sa mga punonglungsod at punongbayan na nararapat gawin ang desisyon ng suspension ng klase sa angkop at tamang panahon. Ito ang kanyang pahayag sa isang press briefing sa Malacanang.
Ayon sa Executive Order No. 66, ang pagpapahayag ng class suspensions ay nararapat gawin ng mas maaga sa oras na 4:30 ng umaga para sa mga klase at trabaho sa umaga at bago sumapit ang ika-11 ng umaga para sa mga klase at trabaho sa hapon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |