Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Batid na kung saang dibisyon matutungo ang mga usapin laban sa tatlong senador

(GMT+08:00) 2014-06-13 18:58:38       CRI

Bagong palatuntunan, pasado sa World Bank

SANGAYON ang Board of Executive Directors ng World Bank Group sa bagong Country Partnership Strategy para sa Pilipinas na magsusulong ng mas malawakang kaunlaran at magbabawas ng kahirapan at makagagawa ng mas marami at mas magandang hanapbuhay.

Sinabi ni Axel van Trotsenburg, World Bank Vice President for East Asia and the Pacific na magbibigay ng angkop na oportunidad para sa kanilang bangko na supoprtahan ang Pilipinas sa pagpapahusay ng kabuhayan ng mahihirap at nanganganib na sektor sa pagkakaroon ng mas maraming hanapbuhay at mas maraming oportunidad.

Sa panig ni Finance Secretary Cesar V. Purisima, ang bagong palatuntunan ng World Bank Group ay pagpapakita ng taos-pusong suporta para sa layunin ng pamahalaan. Nakatuon pa rin ang palatuntunan sa mabuting pagpapatakbo ng pamahalaan, pagpapalakas ng public finances at fiscal transparency upang magkaroon ng mas maraming ivnestments sa larangan ng infrastructure at social services.

Mapapaloob ang palatuntunan mula 2015 hanggang 2018 sa limang mahahalagang aspeto tulad ng transparent and accountable governance na magpapalakas sa pangangalaga sa salapi ng pamahalaan, pagpapaunlad ng fiscal transparency at financial accountability at suporta mula sa mga mamamayan sa larangan ng government accountability.

Layunin ding mabigyan ng poder ang mahihirap at nasa mapanganib na katayuan sa pagpapahusay ng edukasyon at kalusugan, pagpapalakas ng social protection at pagtiyak na magkakaroon ng maayos na panukat ng kahirapan.

Kasama sa palatuntunan ang pagkakaroon ng madalian, malawakan at matatag na kaunlaran sa ekonomiya sa pagsusulong ng pagbabago sa economic policies at pagpapasigla ng pribadong sektor sa pagkakaroon ng mas magandang investment climate sa paglalaan ng access sa pananalapi at pagpapasigla ng productivity at job creation lalo na sa rural areas.

Bibigyang pansin din ang climate change, environment at disaster risk management kabilang na ang pagdaragdag ng mga paraan upang makatugon at makaligtas sa mga trahedya at epekto ng climate change. May nakalaan ding programa sa pagpapaunlad ng natural resource management at sustainable development.

Susuportahan din ang social at economic development sa conflict-affected regions sa Mindanao kabilang na ang Bangsamoro.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>