Benta ng mga sasakyan, gumanda
PATULOY na gumaganda ang kalakalan ng mga sasakyan sa Pilipinas sa pagkakaroon ng pinagsanib na bentang umabot sa 19,598 units noong Mayo.
Tumaas ito ng may 23.6 % kaysa 15,860 units noong Mayo ng 2013 dahilan sa pagpasok ng mga bagong modelo ay agresibong promotions ng iba't ibang uri ng mga sasakyan.
Ang passenger car at commercial vehicle categories ay tumaas kung ihahambing sa mga naipagbili noong 2013. Umabot ang benta ng pampasaherong kotse sa 7,507 units na kinatagpuan ng 44% pagtaas o 2,306 units sa nakalipas na taon. Sa kabilang dako, ang commercial vehicle segment ay nagkaroon ng 12,091 sales at lumago ng 13% o 1,432 units noong Mayo ng 2013.
Ayon kay Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines President Atty. Rommel Gutierrez, umaasa silang maganda rin ang benta ngayong Hunyo sa pagkakaroon ng pinatagal na promotional support at mga estratehiya ng iba't ibang kumpanya.
Toyota Motor Philippines Corporation ang nagkaroon ng 44.8% share at nadagdagan ng 35.3% kung ihahambing sa nakalipas na taon. Kasunod naman ang Mitsubishi Motor Philippines na nagkaroon ng 23.0%, Ford Motor Philippines na mayroong 8.0%, Isuzu Philippines ang nagtamo ng 5.9% samantalang ang Honda Cars Philippines ang ikalima na nagkaroon ng 5.3%.
1 2 3 4 5 6 7 8