Foreign Direct Investments umabot sa US$ 2 bilyon
IBINALITA ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang foreign portfolio investments sa buwan ng Mayo ay umabot sa US$ 2 bilyon na halos kahalintulad ng natamo noong nakalipas na taon. Kung ihahambing sa natanggap na FDIs noong Abril 2014 nagkaroon ng 5.0% increase.
Bumaba ang outflows kung ihahambing sa nakalipas na taon mula sa US$ 2.6 bilyon ay natamo ang US$ 1.4 bilyon o 46.3%. Napuna rin ang pagbaba ng may 8.1% kung ihahambing sa datos noong Abril na umabot sa US$ 1.5 bilyon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang net inflows na US$ 545 milyon ay nakamtan at hamak na mas maganda sa net inflows noong Abril na US$ 325 milyon at net outflows noong nakalipas na taon sa halagang US$ 641 milyon.
May 75.2 % ng mga investments ay nasa securities na nakatala sa Philippine Stock Exchange tulad ng mga property companies, mga bangko, holding firms, pagkain, inumin at kumpanya ng tabako. Mayroon ding mga investments sa telecommunications companies. May 20.7% naman sa peso government securities at ang nalalabing 4.1% ay sa Peso time deposits.
Nangunang mga bansang pinagmulan ng investments ang United Kingdom, Singapore, Estados Unidos, Hong Kong at Luxemburg na may kabuuhang 78.1%. Ang Estados Unidos ang main destination ng outflows na nagkaroon ng 91.6%.
1 2 3 4 5 6 7 8