City of Mary Mediatrix Of All-Grace, itatayo sa Guimaras
ISANG "lungsod" ang itatayo sa karangalan ni Mary Mediatrix of All-Grace ang sa Alaguisoc, Jordan, Guimaras.
Nagkaroon na kamakailan ng groundbreaking ceremonies. Ang mga devotees ng Mahal na Ina, Mediatrix of All-Grace sa pamumuno ni Marinel Magalona, pangulo ng Movement and Apostolate for the Marian Age at Nieves Puyod ng National Movement for Mady Mediatrix of All Grace kasama ang may 200 katao ang nagtipon sa Guimaras para sa okasyon.
Ayon kay Fr. Mickey Cardenas, isa sa mga tagapagbalita ng CBCP News, ang groundbreaking ay pinamunuan ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo at Convenor ng National Movement for Many Mediatrix of All-Grace.
Binasbasan niya ang magiging lungsod kasama si Fr. Roberto Marcelino, Vice Chancellor ng Archdiocese of Jaro na naging kinatawan ni Arsobispo Angel Lagdameo. Namuno sa Misa si Fr. Elijah Pantorilla, OFM Conventual, ang national head ng Militia Immaculata, ang orden na itinatag ni Fr. Maximilian Kolbe.
Ang itatayong shrine ang magiging sentro na debosyon sa mahal na Ina at magiging pook para sa mga retreat, pilgrimage, catechesis at iba pang paksa.
1 2 3 4 5 6 7 8