Kalihim Valte: Malusog si Pangulong Aquino
NASA mabuting kalusugan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at nakagagawa ng kanyang mga gawain bilang punong ehekutibo. Nagtutungo siya sa kanyang manggagamot sa takdang panahon.
Ito ang pahayag ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte matapos sabihan ng isa sa mga manggagamot ni G. Aquino na siya'y na sa mabuting kalusugan.
Ito ang tugon ni Atty. Valte sa tanong ng isang mamamahayag kung napasailalim ba si Pangulong Aquino sa medical examination kasunod ng ulat ng White House na malusog si Pangulong Barack Obama.
Tungkol sa madalas na pag-ubo ng pangulo, sinabi ni Atty. Valte na mayroong allergies si G. Aquino.
Hindi napapag-usapan ang paglalabas ng medical assessment ng pangulo. Sa oras namang nagkakasakit ang pangulo ay inihahayag sa madla at siya'y nagpapahinga, dagdag pa ni Atty. Valte.
1 2 3 4 5 6 7 8