Catholic Social Media Summit, inindorso ni Bishop Vergara
BINASBASAN ni Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines' Commission on Social Communications and Mass Media ang idaraos na CSMS v3 na itinataguyod ng YouthPinoy, isang lupon ng mga kabataang itinuturing na online missionaries.
Sa isang liham na ipinadala ni Bishop Vergara, sinangayunan niya ang naunang pahayag ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Vilelgas sa pinakamalaking pagtitipon ng Catholic social media users sa darating na ika-13 at ika-14 ng Setyembre sa Pangasinan Training and Development Center, Provincial Grounds sa Lingayen, Pangasinan.
Sa kanyang liham, sinabi ni Bishop Vergara na mahalagang patotohanan ang panawagan ni Pope Francis sa nakalipas na World Communications Day na magkaroon ng culture of encounter sa pamamagitan ng pakikinig at pag-unawa sa iba't ibang kultura at tradisyon.
Napuna ni Bishop Vergara na maraming nasa digital highway na mga mamamayang nasasakyan, mga kalalakihan at kababaihang naghahanap ng kaligtasan at pag-asa.
1 2 3 4 5 6 7