|
||||||||
|
||
Judiciary Development Fund, hindi nararapat pakialaman
HINDI BAHAGI NG PORK BARREL ANG JDF. Hindi batid ng karamihan na ang Judiciary Development Fund ay hindi dumaraan sa appropriations ng Kongreso. Ito ang pananaw ni Bb. Malou Tiquia ng Publicus Asia sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. (Areopagus Social Media for Asia)
WALANG poder ang Kongreso na paki-alaman ang Judiciary Development Fund sapagkat nalilikom ito sa pamamagitan ng docket fees na nakokolekta sa mga taong nagpaparating ng pormal na reklamo sa mga hukuman. Ito ang nagkakaisang paninindigan nina Buhay Party List Congressman Lito Atienza, Publicus Inc. General Manager Malou Tiquia at Election Lawyer Romy Macalintal sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.
Ani Bb. Tiquia, hindi ito pork barrel tulad ng pagkaka-alam ng ilang mga mamamayan sapagkat nilikom ang JDF sa mga filing free para sa mga sigalot na (usaping) tanging hukuman lamang ang makalulutas.
Ipinaliwanag pa ni Congressman Atienza na nakalulungkot na mula ng magdesisyon ang Korte Suprema sa usapin ng Priority Development Assistance Fund na kilala sa pangalang pork barrel ng kongresista at mga senador at ng Disbursement Acceleration Program ng Malacanang ay naiba ang tono ng Mababang Kapulungan. Idinagdag pa niya na nagmula ang kalakarang ito sa pamamagitan ng isang Presidential Decree na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos upang mapanatili ang independence ng judiciary sa ehekutibo at lehislatura.
MAHIRAP UNAWAIN ANG PANUKALANG BATAS. Naniniwala si Atty. Romy Macalintal na hindi nauunawaan ni Congressman Neil Tupas, Jr. ang kanyang panukalang batas na nagsasaad ng paglilipat ng salapi ng Korte Suprema patungo sa Bureau of Treasury. Mas makabubuting pag-aralan muna ang panukalang batas, dagdag pa ni Atty. Macalintal. (Areopagus Social Media for Asia)
Ayon kay Atty. Macalintal, sa panukalang batas ni Congressman Neil Tupas, Jr., mangangailangan ng malawakang pagbabago sapagkat hinihiling ng mambabatas na unti-unting ilipat ang sa salaping nalikom nito (ng Korte Suprema) sa Bureau of Treasury. Sa panukalang batas, lumalabas na pawawalang-saysay ang itinatadhana ng mga naunang batas.
Malamang umanong hindi nauunawaan ni Congressman Tupas ang kanyang panukalang batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |