Mga kawal, patuloy na maglilingkod bilang peacekeepers hanggang sa Oktubre
KAHIT pa nakatakas ang mga kawal na Filipino sa peligro ng pagtangkaang kubkubin ng mga rebeldeng Syrian ang kanilang posisyon sa Golan Heights, magpapatuloy pa rin ang paglilingkod nila hanggang Oktubre.
May commitment pa rin ang Pilipinas na makasama sa peacekeeping forces sa iba't ibang bahagi ng daigdig bilang pakikiisa sa malawakang paghahangad ng daigdig na maghari ang kapayapaan.
May mga kawal ang Pilipinas sa iba't ibang bahagi ng daigdig sa ilalim ng bandila ng United Nations. Mayroong 45 pulis, walong United Nations Military Experts on Mission at 622 mga kawal.
Ani Asst. Secretary Jose, mababatid ang iba pang detalyes sa mga susunod na panahon. My panawagan na mula sa iba't ibang sektor ng lipunan na pauwiin na ang mga kawal mula sa Golan Heights matapos mabiktima ng kidnapping kamakailan at ng pagputok ng Ebola Virus sa ilang bahagi ng Africa, kabilang na ang Liberia.
1 2 3 4 5 6 7