|
||||||||
|
||
Hindi nagpabaya ang Embahada ng Pilipinas sa Libya
HINDI NAGPABAYA ANG EMBAHADA NG PILIPINAS. Ginawa ng Embahada ng Pilipinas sa Libya ang magagawa upang mauwi ang labi ng manggagawang si Antonio Espares na pinaslang ng mga rebelde sa magulong bansa noong Hulyo. Ani Asst. Secretary Charles Jose, matatanggap ng naulila ang halat ng benepisyo ayon sa batas. (Melo Acuna)
SINABI ni Asst. Secretary Charles Jose na ginawa ng pamahalaan ang magagawa upang mapangalagaan ang labi ni Antonio Espares, ang manggagawang dinukot at pinatay ng mga rebelde sa Libya.
Magugunitang dumating ang kanyang labi sa Pilipinas noong Sabado ng gabi. Ito ang reaksyon ni Asst. Secretary Jose sa mga balitang lumabas na nakalagay sa itim na garbage bag ang labi ng manggagawa.
Ani G. Jose, nagtungo ang mga kinatawan ng embahada sa Benghazi at nadatnan nila ang ilang mga labing nababalot sa puting tela. Nakilala ang labi at inayos ang pagpapadala na idinaan sa bansang Tunisia. Hindi na nabuksan ang labi sa Tunisia sapagkat selyado na ito.
Nagtungo ang maybahay ng manggagawa sa Department of Foreign Affairs upang alamin ang mga benepisyong matatanggap. Babayaran ng kanyang kumpanya ang sahod sa buwan ng Hunyo at Hulyo at magbibigay ng US$2,000 donasyon sa naulila. Bukod rito, babayaran pa ang sahod ng manggagawa hanggang sa buwan ng Nobyembre ng 2015.
Ani G. Jose, ang insurance ay magmumula sa Overseas Workers Welfare Administration.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |