|
||||||||
|
||
Pagsisiyasat sa kalagayan ng mass transport, sinimulan na
PAGDINIG SA MGA PROBLEMA NG TRANSPORTASYON SINIMULAN NA. Pinamunuan ni Senador Grace Poe ang pagdinig sa mga pasahero, mga opisyal ng Department of Transportation and Communications at MRT/LRT sa Senado kanina. Nais malaman ng mambabatas kung ano pa ang magagawa upang maibsan ang problema ng mga pasehero. May P 6 bilyon ang nawawala araw-araw dahil sa matinding traffic. (Joseph Vidal/PRIB)
IPINATAWAG si Senador Grace Poe ang iba't sektor sa larangan ng mass transport sa isang pagdinig kaninang umaga sa Senado ng Pilipinas.
Sa kanyang opening statement sinabi ng mambabatas na higit na mauunawaan ang kalagayan ng isang lungsod kung magagamit ang public transport system. Nais niyang mabatid kung ano ang pagkakahambing ng mass transport sa Pilipinas sa mga bansang Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Myanmar at Hong Kong.
Natamo na ng Pilipinas ang populasyon na 100 milyon samantalang mayroong 12 milyon sa Metro Manila. Sinasabing 69% ng mga mamamayan sa Metro Manila ang umaasa sa mga tren, bus at jeep.
Hindi na bago sa mga Filipino ang problemang dulot ng traffic sapagkat noon pa mang panahon ni Gat Jose Rizal, inirereklamo na niya ang trapiko noong 1887. Sa paglago ng ekonomiya at bilang ng ma mamamayan, dumami ang mga sasakyan upang matugunan ang pangangailangan subalit hindi naman nadagdagan ang mga lansangan.
Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi lamang buhay ang apektado ng problema kungdi ang ekonomiya. Ang matinding traffic ang nagpapalayo ng mga mangangalakal. Sa pagsusuri ng Japan International Cooperation Agency, aabot sa P 6 bilyon ang mawawala sa ekonomiya pagsapit ng 2030.
Ayon kay Senador Poe, nawawalan ang Pilipinas ng P 576 bilyon sa bawat taon. Pagtutuunan ng ng kanyang Sub-Committee on Public Services ang mga problema ng transportasyon, tulad ng mga hamong hinaharap ng riding public, ang mga aberya ng MRT at LRT, mga binabalak ng Department of Transporation and Communicatiosn at ang nagpapatakbo ng mga tren.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |