Papanagutin ang may kagagawan ng unliquidated cash
HINILING ni Senador Miriam Defensor Santiago sa pamamagitan ng kanyang resolusyon na siyasatin ang mga balitang lumabas na mayroong unliquidated cash advances ang Philippine Postal Corporation mula sa Department of Social Welfare and Development.
Nais ng mambabatas na masagot ang tanong kung anong nangyari sa P 5 bilyon. Ayon sa mga balitang lumabas ang cash advances ay para ipamahagi sa isang milyong mga benepisyaryo ng conditional cash transfer sa 1,490 bayan sa buong bansa.
Isa ang PhilPost sa mga pinadadaluyan ng salapi ng DSWD para sa conditional cash transfer ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na namamahagi ng salapi bilang incentives sa mga pamilya upang pumasok sa mga paaralan ang kabataan. Kabilang din sa programa ang pagkakaroon ng regular na maternal check-up para sa mga ina ng tahanan.
Sinabi ng Commission on Audit na ang mga unliquidated funds ay malayang daraan sa malversation, theft at iba pang mga peligro.
1 2 3 4 5 6