Impact evaluation, mahalaga
SINABI ni Socio-economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na mahalaga ang pagkakaroon ng International Initiative for Impact Evaluation o 3ie. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng mahalagang pagtitipon sa pamamagitan ng Philippine Institute for Development Studies sa Asian Development Bank kanina.
Pinasalamatan niya ang pamahalaan ng Australia sa patuloy na tulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng impact evaluation ng ilang development programs. Ipinaliwanag ni Kalihim Balisacan ang kahalagahan ng impact evaluation sa paggawa ng mga polisiya sa mga umuunlad na bansa sapagkat masinop na nagagamit ang salapi ng bayan at mula sa iba't ibang pamahalaan.
Malaki na umano ang nagastos ng pamahalaan sa social services tulad ng conditional cash transfer sa larangan ng kalusugan at edukasyon ng mga kabataan mula sa mahihirap na pamilya. Layunin ng CCT na matiyak na magkakaroon ng patas na access sa basic services tulad ng healthcare at edukasyon.
Nagkaroon umano ng mga pagsususri ang Philippine Institute for Development Studies, Asian Development Bank at maging World Bank na nagpatunay na walang katotohanan ang pagkakaroon ng "culture of dependency" at 'di wastong paggasta ng cash assistance. Nagkaroon pa umano ng rekomendasyong isama ang mga kabataang mula 15 hanggang 18 taong gulang.
1 2 3 4 5 6