|
||||||||
|
||
Pagdinig ng Kongreso sa panukalang budget ng DOTC natuon sa palpak ng pagpapatakbo ng mga tren
ANG palpak na pamamahala ng Metro Rail Transit 3 ang natampok sa pagdinig ng Appropriations Committee hinggil sa panukalang budget ng Department of Transportation and Communications kahapon.
Ayon sa officer-in-charge ng Metro Rail Transit 3, nagaganap ang breakdown sa bawat ikalawang araw mula noong ika-13 ng Agosto samantalang may 30% ng mga escalator ay 'di pa naaayos.
Ipinagtanong ni Congressman Neri Colmenares ng Bayan Muna kung ilang train breakdowns na ang naganap noong Agosto at kung anong balak ng ahensya sa mga 'di maayos na escalators. Problema umano ito ng mga taong may kapansanan at mga nagdadalang-taon.
Ayon kay MRT OIC Honorito Chaneco, ang breakdown ay nagaganap na sa bawat dalawang araw mula ng lumampas ang tren sa barrier nito sa Taft Avenue na ikinasugat ng higit sa 30 katao.
Anang mambabatas, sa pangyayaring ito, napapasapanganib ang buhay ng mga sumasakay. Limampung porsiyento na ng train operation ang nawawala sa pagkakaroon ng breakdown.
Ipinaliwanag ni Chaneco na mayroong 20 tren sa bawat peak hour mula ika-anim hanggang ika-siyam ng umaga at mula ika-apat hanggang ika-siyam ng gabi. Sa bawat pagkasira ng tren, mababawasan pa at magiging 18 o 19 na lamang at walang maipapalit.
Sa pagdinig kahapon, nabatid na 30% ng escalators ang hindi nagagamit. Poder at responsibilidad ito ng maintenance provider. Hindi na umano mapapalitan ang sirang spare parts nito sapagkat wala nang mabili at pinaglumaan na ang modelo. Sa halip na ayusin ang mga ito ay bibili na lamang ng bagong elevators at escalators, dagdag pa ni Chaneco.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |