|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, hinamong aksyunan ang problema ng niyog
NANAWAGAN si Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ilabas ang P 2.8 bilyong ponso sa Philippine Coconut Authority para sa iba't ibang rehiyon na apektado ng malalakas na bagyo sa nakalipas na ilang taon.
Suportado ni Fr. Gariguez ang may 100 magsasaka sa ilalim ng Katarungan at isa pang samahan na nag-picket sa Philippine Coconut Authority at sumuporta rin sa madaliang rehabilitation ng mga niyugang napinsala at maglaan ng pondo upang magkaroon ng bagong hanapbuhay ang mga apektadong magsasaka.
Apektado ng mga bagyong Pablo, Yolanda at Glenda sa nakalipas na taon at buwan, wala pang natatanggap na ang mga magsasaka sa kanayunan.
Kahit pa naglabas ng P 2.8 bilyon ang pamahalaan patungo sa Philippine Coconut Authority para sa rehabilitation ng mga niyugang tinamaan ng bagyo, hindi pa rin nagagalaw ang mga niyugan at wala pang nagtatanim. Wala pang salaping lumalabas para sa mga magniniyog, dagdag pa ni Fr. Gariguez.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |