|
||||||||
|
||
150526melo.mp3
|
Mga Filipino, may karapatang hawakan ang kanilang mga pasaporte
INULIT ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na sa ilalim ng batas ng Saudi Arabia at Pilipinas, ang mga manggagawang Filipino ay may karapatang magtago at mag-ingat ng kanilang mga pasaporte samantalang nagtatrabaho sa Kaharian.
Ang pasaporte mula sa Pilipinas ay kinikilalang pag-aari ng Republika ng Pilipinas at ang may tangan nito ang siya lamang may karapatang magtago ng dokumento.
Ipinaalala ng embahada sa mga kumpanya at mga amo sa Saudi Arabia na nagtatago at nag-iingat ng mga pasaporte ng mga Filipino tulad ng kinagawian at labag sa nais ng manggagawa ay lumalabag sa Council of Ministers' Resolution No. 166 na inilabas noong ika-14 ng Hulyo taong 2000 na nagsasaad na ang bawat manggagawa ay may karapatang mag-ingat ng kanyang sariling pasaporte.
Nilinaw ng Saudi Ministry of Foreign Affairs sa Embahada ng Pilipinas na nananatiling may bias ang kautusan at sinumang Filipino na sinamsaman ng pasaporte ay may karapatang magreklamo sa Ministry of Labor at maging sa pulisya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |