|
||||||||
|
||
Petisyon para sa same-sex marriage, nakarating na sa Korte Suprema
NAGPETISYON si Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III na nagpapakilalang "openly gay" sa Korte Suprema na pawalang-saysay ang Articles 1 and 2 ng at Articles 46 (4) at 55 (6) ng Family Code of the Philippines.
Sa isang 31-pahinang petisyon, sinabi ni Atty. Falcis na pawalang saysay na ang pagbabawal ng same-sex marriage sa Pilipinas.
Ayon sa Article 1 at 2, ang kasal ay namamagitan lamang sa isang babae at lalaki samantalang ang Articles 46 (paragraph 4) at 55 (paragraph 6) ang kumikilala sa lesbianism o homosexuality upang mapawalang-saysay ang kasal at magkaroon ng legal separation.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |