|
||||||||
|
||
Roxas, nangakong itutuloy ang "tuwid na daan" ni Pangulong Aquino
HANDA si Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II na ituloy ang "tuwid na daan" program ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Sa isang panayam sa Bulacan, sinabi ni G. Roxas na nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Aquino.
Sa tanong kung handa siya sa nalalapit na halalan, sinabi ni G. Roxas na maganda ang kinalalagyan ng bansa ngayon at sumulong na ang Pilipinas.
Magugunitang umatras sa panguluhan si G. Roxas noong 2009 at pinagbigyan si Senador PNoy Aquino na kumandidato sa panguluhan. Umaasa rin siya nab aka siya na ang pinakamalakas na kandidato sa 2016.
Sa pinakahuling survey, pangatlo lamang sila ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at nauungusan ni Vice President Jejomar C. Binay at Senador Grace Poe.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |