|
||||||||
|
||
Pagsasaka, susi sa tagumpay ng ASEAN single market
ANG pagsasanib ng mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations na katatagpuan ng iisang pamilihan na dadaluyan ng mga paninda, manggagawa at kapital ay posibleng maudlot kung hindi isasama ang epekto ng climate change sa pagsasaka sa rehiyon.
Ayon sa OXFAM, maraming mga ekonomiya sa ASEAN ang umaasa sa sektor ng pagsasaka at ang epekto ng climate change sa sektor ay inaasahang magdudulot ng pagbaba ng 2.2% sa Gross Domestic Product ng ilang bansa sa timog-silangang Asia sa taong 2100. Ito ang lumabas sa Fifth Assessment Report ng Intergovernmental Panel on Climate Change.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Oxfam na pinamagatang "Harmless Harvest," ang matatag na pagsasaka ang makakatulong sa mga bansang kabilang sa ASEAN upang makatugon sa nagbabagong klima. Sa pagkakaroon ng matatag na sektor ng pagsasaka, makatitiyak ng magandang kita ang mga magsasaka at makatitiyak ng food security ng hindi makakadagdag sa greenhouse gas emissions na dahilan ng global warming.
Naranasan na ng mahihirap na bansa ang epekto ng nagbabagong klima na halos nagiging karaniwan na. Problema rin ang tumataas na karagatan, Sa Indonesia, halos 15% ng total rice output ang apektado ng tubig-dagat samantalang sa Viet Nam ay napupuna ang pag-alat ng mga sakahan.
Sa Cambodia, Laos People's Democratic Republic, Thailand, Myanmar at Viet Nam ay napuna ang mas mababa kaysa karaniwang patak ng ulan kaya't naganap ang tagtuyot at dahilan ng pagbaba ng ani at pagdami ng peste at sakit ng mga pananim.
Noong 2013, ang bagyong "Haiyan" ang sumira sa maraming niyogan sa Kabisayaan na inaasahang pagkakakitaan ng mga magsasaka.
Iminungkahi nila ang Systems of Rice Intensification, isang paraan ng pagtatanim ng palay na nagpapalaki ng ani at kita ng hindi nasisira ang kapaligiran at kalikasan. Ayon sa pag-aaral ng International Rice Research Institute, ang isang degree na itataas ng temperature ay magiging dahilan ng 10% pagbaba sa ani ng palay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |