|
||||||||
|
||
Merchandise imports bumaba ng 6.8% noong Marso
MERCHANDISE IMPORTS BUMABA NOONG MARSO. Mas mababa ang total import payments noong Marso 2015 na umabot sa US$ 5.1 bilyon kaysa noong Marso ng 2014 na umabot naman sa US$ 5.5 bilyon dahil mas mua ang ibinayad para sa mineral fuels, lubricants at raw materials. Ito ang ibinalita ni NEDA Director General and Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan. (File photo/Melo Acuna)
IBINALITA ng National Economic and Development Authority ang pagbaba ng merchandise imports ng 6.8% noong Marso dahil sa mas mababang kabayaran para sa mineral fuels, lubricants at raw materials na naitala.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang total import payments ay umabot sa US$ 5.1 bilyon noong Marso mula sa US$ 5.5 bilyon noong nakalipas na Marso ng 2014. Ang pagbaba ay kasunod ng pagbawi noong Pebrero ng taong ito sa 10.2% at 10.8% annual growth noong Marso 2014.
Ang mga trade-oriented economies sa Silangan at Timog Silangang Asia maliban sa Vietnam ay bumaba rin sa larangan ng merchandise imports noong Marso 2015. Ang reduced value of imports mula sa People's Republic of China, South Korea at Singapore ang nakatulong sa pagbaba ng imports noong Marso.
Ang mas mababang presyo ng crude oil at mas mababang pangangailangan para sa non-oil mineral products ang nagpababa sa halaga ng imported mineral fuels at lubricants ng may 47.3% at umabot sa US$681.3 milyon mula sa US$1.3 bilyon noong Marso 2014.
Sinabi ni Kalihim Arsenio M. Balisacan na ang mababang presyo ng langis ay nakatutulong sa balance of trade lalo na sa trade-in goods ng bansa samantalang mababa sa US$ 100 per barrel sa halagang US$ 51.6 sa unang tatlong buwan ng 2015.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |