Pagkakaiba at pagkakatulad ng mga partido politikal, paksa sa "Tapatan sa Aristocrat"
ISANG mainitang talakayan ang magaganap sa Lunes, ika-24 ng Agosto sa Tapatan sa Aristocrat, isang talakayan hinggil sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga partido politikal sa bansa bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo 2016.
Magugunitang sa darating na Oktubre ang deadline para sa mga nagnanais kumandidato sa panguluhan, pangalawang panguluhan at senado at sa oras na ito'y tuloy ang mga pag-uusap sa pagitan ng mga nangangarap maging pinuno ng bansa.
Sisimulan sa ganap na ika-siyam ng umaga, panauhin sina Dr. Ronald U. Mendoza, isang core professor ng Asian Institute of Management at isa sa may akda ng pinakahuling pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na pinamagatang "Regulating Political Dynasties Toward a More Inclusive Society', dating Arsobispo ng Lingayen-Dagupan Oscar V. Cruz at election lawyer Romulo Macalintal.
Lumabas sa pagsusuri ng PIDS na pinakamaraming politikong mula sa mga pamilya ang nahalal na gobernador samantalang pikamataas ang bilang ng mga kasapi ng political dynasties na nahalal sa Pilipinas sa pagkakaroon ng 75%. Na sa pangalawang puesto ang Thailand na nagkaroon ng 42%, Mexico na nagkaroon ng 40%, pang-apat ang Japan na nagkaroon ng 33%, India na mayroong 24% at Ireland na nagkaroon ng 22%.
1 2 3 4 5 6