Volunteers Against Crime and Corruption, nanawagang ilantad ang utak sa pagpaslang kay Senador Ninoy Aquino
SA paggunita ng Pilipinas sa ika-32 anibersaryo ng pagpaslang kay dating Senador Benigno "Ninoy" S. Aquino, Jr. sa Manila International Airport noong 1983, nanawagan si VACC Founding Chairman at President Dante Jimenez na ibunyag na ang utak sa pagpaslang sa dating senador na tinitingala ng mga mamamayan bilang simbolo ng kalayaan.
Dumalaw at naglagak din ng bulaklak sa puntod ng dating senador ang VACC. Nagtirik din sila ng kandila kasabay ng panawagang mabunyag na ang tunay na utak sa pagpaslang.Ikinalulungkot ni Jimenez at mga kasama na dalawang pamahalaang Aquino na ang namuno sa bansa subalit 'di pa rin nabunyag ang utak ng krimen.
Ani G. Jimenez, obligasyon ni Pangulong Aquino na tutukan ang malagim na bahaging ito ng kasaysayan ng Pilipinas upang mapigil na ang mga nakalalayang nasa likod ng krimen.
1 2 3 4 5 6