Tatlong Abu Sayyaf napaslang sa sagupaan sa Basilan
TATLONG kasapi ng Abu Sayyaf Group ang napaslang sa isang sagupaang naganap sa Sumisip, Basilan kahapon ng alas-onse y media ng umaga. Anim na iba pa ang nasugatan sa operasyong inilunsad ng Joint Task Group Basilan sa ilalim ng Western Mindanao Command.
Ayon kay Marine Captain Maria Rowena A. Muyuela, nagsasagawa ng clearing operations ang mga kawal sa Sitio Punoh Timuguen sa barangay Baiwas nang masagupa ang mga Abu Sayyaf. Tumagal ang sagupaan ng isang oras.
Isa ang nasawi at isa ang nasugatan sa panig ng Joint Task Group Basilan. Gumamit ang Philippine Army ng kanyon samantalang air support naman ang ibinigay ng Philippine Air Force sa nasagupang mga Abu Sayyaf. Tuloy pa rin ang pursuit operations.
1 2 3 4 5 6