Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Situwasyon sa Korea, binabantayan

(GMT+08:00) 2015-08-21 20:14:33       CRI

Dalawang tauhan ng Phil. Coast Guard nabihag ng Abu Sayyaf, nakatakas

NATAGPUAN ng mga alagad ng batas na kabilang sa Joint Task Group Sulu ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard na kinilala sa mga pangalang Seaman First Class Rod Pagaling at Seaman Second Class Gringo Villaruz sa Barangay Buyansa, Indanan, Sulu.

Nadukot ang dalawang tauhan ng Coast Guard noong buwan ng Mayo. Dahil sa sagupaang naganap kamakalawa, nakatakas ang dalawang tauhan ng Coast Guard at natagpuan ng mga taga-barangay. Dinala sila sa himpilan ng Marine Battalion Landing Team – 10 (MBLT-10).

Isang mainit na sagupaan ang naganap ng matambangan ng mga kawal ang isang grupo ng mga Abu Sayyaf mga ika-lima't kalahati ng hapon kaya't nakatakas ang dalawang bihag.

Dinala sila sa isang pagamutan upang sumalilalim sa debriefing at medical asssessment.

Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, natagpuan si Seaman Second Class Villaruz mga ika-pito ng umaga samantalang natagpuan si Seaman First Classs Pagaling mga ika-walo ng umaga. Magugunitang may serye ng mga sagupaan sa Sulu, Basilan at Bukidnon mula noong Martes hanggang Miyerkoles.

Kasamang nabihag ang dalawang Coast Guard elements ni Barangay Captain Rodolfo Buligao ng Aliguay, Dapitan City noong Mayo kwatro. Natagpuan ang pugot na katawan ni Buligao noong nakalipas na Martes, ika-11 ng Agosto sa Maimbung, Sulu,

Noong Martes, mga ika-apat ng hapon, ang 1st Special Forces Battalion sa ilalim ng isang Captain Balatbat, ang nasagupa naman ng mga NPA sa Barangay Mendiz, Pangantucan, Bukidnon na ikinasugat ni 2Lt. Balangcod at PFC Rubante. Nakabawi rin sila ng isang AK-47.

Kahapon, si PFC Paquit, pinsan ng Medal of Valor awardee PFC Paquit na bayani ng Zamboanga seige noong 2013, ang napaslang sa sagupaang kinatampukan ng mga Abu Sayyaf sa Sumisip, Basilan kahapon ng tanghali. Kamakalawa din, may 15 ang napaslang samantalang nabawi ang limang high powered firearms at improvised explosive divice sa Indanan, Sulu. Una ng nasagupa ng may 200 ASG ang 1st Scout Ranger battalion. Limang bangkay ng mga pinaniniwalaang kasapi ng Abu Sayyaf ang natagpuan sa pook.

Sa kabilang dako, inatasan ni General Hernando DCA Iriberri, Chief of Staff ng AFP, ang lahat ng mga kawal na magsilbing panganib sa mga nagnanais maghasik ng lagim.

Sa naganap sa Bangkok, Thailand, kamakatlo na ikinasawi ng 22 katao, inutusan ni Iriberri ang lahat ng mga kawal na bigyang-pansin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>