|
||||||||
|
||
Pahayag ng isang kongresista, pinuna ng pangulo ng Senado
HINDI angkop ang naging pahayag ni Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali sapagkat tuwiran itong pakikialam sa Senado na hindi naman niya kinabibilangan.
Ito ang pahayag nni Senate President Franklin M. Drilon matapos magmungkahi si Umali ng malawakang pagbalasa sa mga komite ng Senado sa oras na magdesisyon sina Senador Grace Poe at Francis Escudero na tumakbo sa darating na halalan.
Ipinaliwanag ni Senador Drilon na vice chairman ng Liberal Party na ang ginawa ng kanyang kapartido ay kawalan ng inter-parliamentary courtesy.
Pakikialam na umano ang ginawa ng kanyang kapartidong si Umali na nararapat lamang gumalang sa kapwa mambabatas. Mas makabubuting asikasuhin na lamang niya ang kanyang sariling nasasakupan sa halip na magbunganga.
Hindi angkop ang mungkahi ni Umali sapagkat maraming nararapat gawin ang Senado at kahit ano pa ang maging desisyon nina Senador Poe at Escudero ay magagampanan pa nila ang kanilang mga gawain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |