Inilabas kahapon ng Ministring Panlabas ng Hapon ang video sa internet na nagsasabing ang Hapon ay may soberanya sa Diaoyu Islands.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay may soberanya sa Diaoyu Islands, at nasa kamay nito ang mga walang dudang batayang pangkasaysayan at pambatas hinggil dito. Sinabi ni Hua na sa kabila ng walang-tigil na pagkakalat ng Hapon ng ilegal na paninindigan sa Diaoyu Islands, sa alinmang paraan, hindi pa rin nito mababago ang obdiyektibong katotohanang ang Diaoyu Islands ang bahagi ng teritoryo ng Tsina. Hinihimok aniya ng Tsina ang panig Hapones, na itakwil ang lahat ng mga probokatibong aktibidad at gumawa ito ng mga bagay na makakatulong sa maayos na paglutas ng isyung nabanggit.