Sa pakikipag-usap sa Beijing nitong Lunes, Abril 18, 2016 kay dumadalaw na Punong Ministrong John Phillip Key ng New Zealand, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nananatiling mabilis ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina at New Zealand at lumalawak din ang kanilang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng New Zealand para ibayo pang mapasulong ang estrahikong partnership sa ibat-ibang larangan, batay sa pagpapalalim ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapahigpit ng mataas na pagpapalitan at pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan. Aniya, makikinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa mula rito.
Nang mabanggit ang kalagayang pangkabuhayan ng Tsina, sinabi ni Li na kasalukuyang tumatakbo ito sa makatwirang posisyon at optimistiko naman ang mga organong pandaigdig sa kabuhayan ng Tsina sa hinaharap. Dagdag pa ni Li, sa harap ng di-magandang kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, dapat magbigay ang Tsina ng mas malaking pagsisikap para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
Ipinahayag naman ni John Phillip Key na suportado ng New Zealand ang pinalalakas na pakikipagtulungan sa Tsina, nukleong interes ng Tsina, at positibong papel nito sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda aniya ang New Zealand na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang palakasin ang pagtutulungan sa agrikultura at paghahayupan, at pasulungin ang talastasan hinggil sa pag-u-upgrade ng Bilateral Free Trade Afreement, para mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaidig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Pagkatapos, magkasamang dumalo ang dalawang lider sa seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng dalawang panig.