Huwebes, Hunyo 2, 2016-Kinatagpo sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga kinatawang kalahok sa 8th World Conference of Overseas Chinese Friendship Associations. Ipinahayag din ni Premyer Li ang pagbati sa mahigit 60 milyong overseas compatriots sa ibayong dagat.
Ipinahayag ni Li na bilang tulay ng magpagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at ibang bansa, inaasahang magsisikap ang mga Overseas Chinese para palakasin ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng bawat panig, at pangalagaan ang kapayapaan, pagbubukas at kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig. Aniya, inaasahang makikisangkot ang mga Overseas Chinese sa proseso ng inobasyon at pag-unlad ng inang bayan. Aniya pa, inaasahang gaganap ng positibong papel ang mga Tsino sa ibayong dagat para maisakatuparan ang reunipikasyon ng inang bayan, para sa mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Dagdag pa ni Li, dapat sundin nila ang batas at ugali sa lokalidad, at magsikap sila para sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan doon.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga kinatawan mula sa mga Overseas Chinese Association ng 136 bansa't rehiyon sa daigdig.