|
||||||||
|
||
Pagtutulungan ng Chinese at Philippine Red Cross, tuloy pa
MATATAPOS na sa mga susunod na buwan ang may 166 silid-aralang itatayo ng Philippine at Chinese Red Cross. Ito ang ibinalita ni Philippine Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang.
May sukat ang mga silid aralan na 60 metro kuwadrado bawat isa. Kasama rin sa palatuntunang ito ang Department of Education at Department of Public Works and Highways.
Itatayo ang mga paaralan sa Palo National High School sa West Palo, Leyte, sa Leyte National High School, sa Sagkahan National High school, RTR Elementary School, V & G Memorial School, Tacloban National Agricultural School, A. P. Banes Elementary School, Ca-ibaan Elementary School, Sakgaan Elementary School at San Jose Elementary School na pawang nasa Tacloban City, at Juan Villablanca National High School sa Pastrana, Leyte.
Wala pang ibang detalyes hinggil sa halaga at takdang petsa para sa turn-over ceremonies sa Kagawaran ng Edukasyon.
RED CROSS, DUMALO SA MGA NASUGATAN. Halos 900 katao ang nasugatan, nahilo at tumaas ang presyon sa prusisyon kahapon. Makikita ang mga Philippine Red Cross volunteers na dumadalo sa mga pasyente. Labingdalawa (12) sa mga ito nag isinugod sa pagamutan. (Roy Lagarde/CBCP)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |