Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nagpasalamat sa international community

(GMT+08:00) 2014-01-10 18:30:57       CRI

Papal Nuncio, bumati sa Pangulo ng Pilipinas at sa pamahalaan

IPINARATING ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Giuseppe Pinto, ang Dean of the Diplomatic Corps ang pagbati at dalanging magkaroon ng mas magandang bagong taon sa pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Sa idinaos na Vin d'Honneur sa Malacanang, sinabi ng arsobispo na naging mahirap ang 2013 dahilan sa mga kalamidad na tumama sa bansa.

Kahit umano naganap ang mga ito, tulad ng pagyanig sa Bohol hanggang sa hagupit ni "Yolanda," nakita ang katatagan ng mga mamamayan.

Nakita ang katatagan ng pag-uugali at pananampalataya ng mga Pilipino, dagdag pa ni Arsobispo Pinto. Tumulong din ang buong daigdig upang makiramay at makiisa.

Pinapurihan ni Arsobispo Pinto si Pangulong Aquino sa pagiging daan tungo sa local at international solidarity.

Binanggit din ni Arsobispo Pinto ang paglagda sa Annex of the Framework Agreement on Bangsamoro sa pag-itan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front ang nagbigay sa mga Pilipino ng bagong pag-asa at kapayapaan.

Problema sa pabahay, tumingkad sa kakulangan ng salapi.

MATAPOS ang dalawang buwan sa pagdaan ng pamahalaan ang self-recovery support. Ayon sa balitang mula sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, unti-unti ng nanunumbalik na ang kalakal samantalang lumalawak na ang cash-transfer programs sa pamamagitan ng pamahalaan at humanitarian partners. Nagkakaroon na ng acess sa pagkain at iba pang mahahalagang kagamitan.

Ginagamit na ng Lalawigan ng Capiz ang coco lumber para sa kanilang Shelter Cluster partners bagama't patuloy na nadarama ang kakulangan ng mapapaglipatan ng mga biktima ng bagyo. Ang problema, ayon sa OCHA, ay salapi.

Sa pagkakataong ito, self-recovery support ang ibibigay tulad ng pagbibigay sa mga pamilya ng mga kagamitan, pang-dingding at pang-bubong at kakayahang maitayo ang kanilang sariling mga tahanan. Sa salaping nalikom, maipamamahagi ang self-recovery shelter kits para sa 175,000 katao o 35,000 mga pamilya. Ang bilang na ito ay wala pang 3% ng mga target na tulungan.

Sa target na halagang US$ 788 milyon, tanging 42% pa lamang ang dumarating sa bansa. Tanging 22% pa lamang sa kanilang target na pabahay ang natutugunan samantalang 17% pa lamang ng targets sa Early Recovery and Livelihoods ang nadadaluhan.

Sukat ng bunkhouses, inayos na

BINAGO ng Department of Public Works and Highways ang disensyo ng bunkhouses upang tumugon sa sinasabing international standards.

Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singon na ang bunkhouses o temporary shelters ay hiniling na itayo ng Department of Social Welfare and Development at local government units.

Ang bunkhouses ang balak ipalit sa mga tinitirhan ng mga biktimang nasa mga tolda at mga pansamantalang tahanang may tarpaulins at mga pamilyang nasa baybay-dagat na nawalan ng mga tahanan noong humagupit si "Yolanda."

Idinagdag ni G. Singson na madali namang buwagin ang dibisyon ng dalawang unit upang magkaroon ng mas malawak na matitirhan ang mga biktima.

Inamin niyang matatagalang makatagpo ng relocation sites tulad rin ng pagtatayo ng permanenteng tahanan para sa mga biktima.

Ang dating sukat ng bawat silid ay 8.64 metro kwadrado sa bawat pamilya. Sa pagbabagong anyo ng mga bunkhouses, ang bawat pamilya ay magkakaroon ng 17.28 metro kwadradong pamititirhan. May 87 mga kontratista mula sa buong bansa at nag-boluntaryong gumawa ng bunkhouses sa 42 pook sa Silangang Kabisayaan.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>