|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Gross International Reserves ng Pilipinas US $ 83.7 bilyon
IBINALITA ni Governor Amando M. Tetangco, Jr., ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umabot sa US $ 83.7 b ang gross international reserves ng Pilipinas hanggang sa huling araw ng Disyembre, 2013. Ito ay katumbas ng 8.4 na ulit ng short-term external debt ayon sa original maturity at 5.8 na ulit ayon sa residual maturity.
Ito ang naging bahagi ng kanyang talumpati sa harap ng Rotary Clubs of Manila at Makati-Forbes Park na idinaos kahapon.
Ang gross international reserves ay sapat na upang natustusan ang 12.1 buwan ng imports of goods and services at income.
Mayroon din umanong current account surplus sapagkat ang Balance of Payment position ay kinakitaan ng surplus na US% 4.7 bilyon mula Enero hanggang Nobyembre ng 2013.
Ipinaliwanag pa ni Governor Tetangco na ang current account surplus ay naganap dahilan sa increased net receipts ng primary at secondary income at sa iba pang services accounts.
Idinagdag pa niya na malakas at matatag ang banking system sa pagkakaroon ng capital adequacy ratio na mas mataas sa international standards. Bumaba din ang external debt-to-GDP ratio

GROSS INTERNATIONAL RESERVES NG PILIPINAS US$ 83.7 B. Ito ang ibinalita ni Bangko Sentral Governor Amando Tetangco, Jr. sa mga opisyal at kasapi ng Rotary Clubs of Manila at Makati-Forbes Park sa unang pagpupulong sa taong 2014 kahapon. (BSP Public Affairs)
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |