|
||||||||
|
||
NANAWAGAN si Jaro Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na balikan ang kahalagahan ng disiplina sa mga deboto ng Itim na Nazareno kasunod ng maituturing na magulong prusisyon kahapon.
Naiwasan sana ang pagkakasugat at sakitan kung kinakitaan ng disiplina ang mga lumahok sa pagdiriwang.
Ani Arsobispo Lagdameo, mas maraming nakalapit sana sa Itim na Nazareno kung nangibabaw ang disiplina at hindi nagtulakan. Hindi ito ang tunay na pananampalataya, dagdag pa niya. Mangangailangan lamang ng pagtutuwid.
Higit sa 10 milyon ang lumahok sa prusisyon na tumagal ng 19 na oras bago naibalik ang imahen sa Quiapo.
Sinabi ng mga autoridad na payapa naman ang pagdiriwang at walang nasawi o malubhang nasugatan. Natulungan ng Philippine Red Cross ang may 854 na deboto. Labing dalawa sa kanila ang isinugod sa pagamutan.
Halos naganap ang stampede bago natapos ang Misa sa Quirino Grandstand ng dumagsa ang mga deboto upang makahipo sa imahen.
Sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na kailangang ituloy ang katesismo upang lumalim ang pananampalataya.
Ani Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez kailangang magkaroon ng faith formation para sa karamihan ng mga deboto.
IBA'T IBANG ANYO NG PRUSISYON NG ITIM NA NAZARENO. Higit sa 10 milyong mga deboto ang lumahok sa prusisyon sa karangalan ng pinaniniwalaang milagrosong imahen ng Itim na Nazareno kahapon. Labing-siyam (19) na oras ang itinagal ng prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang sa makarating sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quiapo. (Roy Lagarde/CBCP)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |