Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, angkop sa paglutas ng sigalot sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-07-18 20:25:39       CRI

Init na dulot ng desisyon ng Arbitral Tribunal, huhupa din sa madaling panahon

MAAANGHANG NA SALITA AT TENSYON, HUHUPA RIN.  Ito naman ang paniniwala ni Prof. Swaran Singh ng Jawaharlal Nehru University ng New Delhi.  Naniniwala siyang magbabalik sa pag-uusap ang Pilipinas at Tsina.  (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Professor Swaran Singh ng Center for International Politics, Organisation and Disarmament ng School of International Studies ng Jawaharlal Nehru University sa New Delhi, India na kahit pa tumaas ang tensyon at naging dahilan ng maaanghang na salita dulot ng desisyon ng Arbitral Tribunal, huhupa rin ito sa loob ng dalawang linggo.

Pagpasok sa ikatlong linggo ay magiging malinaw ang kahalagahan ng pag-uusap ng magkabilang panig. Kahit pa umano may mag-iisip na ibang bansa sa Asia na naghahabol din ng bahagi ng karagatan, magmamasid rin sila sa magaganap na mga paghaharap ng Pilipinas at Tsina.

Ani Prof. Singh, kahit si Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril ay nagsabing kung hindi magiging pabor sa Pilipinas ang desisyon ng Arbitral Tribunal, hindi rin niya ito kikilalanin at igagalang.

Idinagdag pa niyang kung hindi kinilala ni Pangulong Duterte ang arbitration at lalong hindi igagalang ng Tsina ang hatol, limitado lamang ang magiging papel ng desisyon at ito ay pagbabalik ng mga isyu sa negosasyon.

May iba't ibang pananaw ang iba't ibang tao sa desisyon sapagkat hugit umanong nagtuon ng pansin sa legalidad at hindi sa tunay na kalagayan o situwasyon sa magkabilang panig.

Ang kailangan, ani Prof. Singh, ay political wisdom tulad ng naganap sa pagitan ng India at Bangladesh. Nakatulong ang India na maging bansa ang Bangladesh at noong Mayo 1975, ang pangulong malapit sa India ng Bangladesh ay humiling na idaan sa arbitration ang 'di nila pagkakaunawaan. Hindi umano handa ang India at noong Oktubre ng 2009, saka lamang pumayag ang India na dumulog sa arbitration.

Noong 2014, naglabas ng desisyon ang tribunal at 76% ng ipinagtatanong na bahagi ng karagatan ang iginawad sa Bangladesh at kinilala naman ito ng India. Kung wala umanong political will, walang anumang patutunguhan ang mga usapin.

Magkakaroon ng mga pressure sa Pilipinas mula sa America kung magiging malapit si Pangulong Duterte sa Tsina. Ayon kay Prof. Singh, itinatag ang ASEAN upang tapatan ang Tsina. Marapat lamang na maging magaling ang Pilipinas sa pagtugon sa gagawing pressures ng America sapagkat hindi naman aalis ang America sa Asia. Kailangang maging magaling ang Pilipinas sa pagbabalanse ng relasyon sa America at Tsina.

Sa tanong kung ano ang magiging kalagayan ng America sa ilalim ng liderato ni Pangulong Donald Trump, sinabi ni Prof. Singh nararapat balikan ang Kasaysayan sapagkat noong ika-17 siglo, ang merkado ang bumuo ng mga bansa upang makarating ang kalakal sa ibang pook hindi lamang sa mga barangay at sa kanilang nasasakupan.

Noong ika-20 siglo, lumakas ang mga bansa at nakontrol ang kalakal. Pagsapit ng ika-21 siglo, lumalakas naman ang kalakal at napipigilan na ang mga bansa at si Donald Trump ang simbolo ng pangyayaring ito.

Ani Prof. Singh, maaaring hindi magwagi si Donald Trump sa darating na halalan subalit magkakaroon pa ng mga "Donald Trump" sa mga susunod na eleksyon.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>