|
||||||||
|
||
Karagatan sa Katimugang Pilipinas, matagal nang problema
SINABI ni UP Professor Jay Batongbacal na isang dahilan ng pagkabahala ang katimugang bahagi ng Pilipinas, ang karagatan sa pagitan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas.
Sa isang panayam sa Paliparang Pangdaigdig ng Maynila, sinabi ni Prof. Batongbacal na ayon sa lumalabas na mga balita't impormasyon, dahil sa tindi ng operasyon sa kanilang mga pinagkukutaan sa iba't ibang bansa, magtatangka silang magparamdam sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
Subalit naniniwala rin si Professor Batongbacal na ang anumang pagkilos upang bantayan ang mga kumonidad ng mga Muslim ay hindi angkop na solusyon sapagkat lalabas na may pagtatanging sagkaan ang kanilang mga karapatang kumilos at gumalaw ayon sa itinatadhana ng mga Karapatang Pantao.
Naidagdag pa rin ni G. Batongbacal na matagal ng ikinababahala ang karagatan sa may Tawi-Tawi patungo sa Malaysia at Indonesia bago pa man lumabas ang anggulo ng terorismo sa nakalipas na ilang taon noon pa mang 1950s. Napakaluwag ng hangganan ng mga bansa sapagkat madaling nakapaglalakbay ang mga mamamayan.
Ang ganitong situwasyon, ayon kay Prof. Batongbacal ay nagdudulot na sama at galing sa mga bansa. Isang halimbawa ang kalayaang makapaglayag ng mga Abu Sayyaf sa karagatan sa hangganan ng magkakalapit na bansa.
Ang pgtutulungan ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Brunei ay hindi maiiwasanan. Nagsimula nang magparamdam ang Abu Sayyaf hindi lamang sa Pilipinas kungdi sa Indonesia at Malaysia sa nakalipas na ilang taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |