|
||||||||
|
||
Deklarasyon ng Arbitral Tribunal sa Taiping, ikinagulat
NABABAHALA si Senior Captain Zhang Junshe, isang senior research fellow ng Military and Academic Institute of Chinese Navy ang desisyon ng Arbitral Tribunal na hindi pulo ang Taiping Island.
Sa isang panayam sa sidelines ng Think Tank Seminar on South China Sea and Regional Cooperation and Development sa Singapore, kakaiba umano ang naging desisyon at mangangailangan ng pagguhit ng panibagong mapa mula sa mga naunang pagkilala sa pulo.
Kontrobersyal umano ang desisyong ito, dagdag pa ni Captain Zhang samantalang may mga naninirahan doon at may napagkukunan ng tubig na maiinom. Wala umanong kabilang sa mga mahistrado na nakakita ng situwasyon sa Taiping.
Imposible umanong walang mga kapuluan sa South China Sea. Bagaman, sinabi ni Senior Captain Zhang, wala pa siyang naririnig na nagsabi ng ganyan maliban sa tribunal. Wala pa umano siyang naririnig na pagbimbin sa mga naglalayag sa South China Sea kaya't walang basehan ang sinasabing humahadlang sa paglalakbay ng mga barko ng iba't ibang kumpanya.
Libong mga sasakyang-dagat ang dumaraan sa South China Sea, dagdag pa ni G. Zhang at walang sinumang nagrereklamo sa mga dumaraan.
Idinagdag pa ni G. Zhang na wala siyang naririnig na magpapatupad ng Air Defense Identification Zone (AIDZ) ang Tsina. Hindi na umano bago ang AIDZ sapagkat unang ginamit na ito ang Estados Unidos noon pa mang dekada singkwenta.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |