Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, angkop sa paglutas ng sigalot sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-07-18 20:25:39       CRI

Hindi makikipag-digmaan ang America sa ngalan ng Pilipinas

HINDI MAKIKIDIGMA ANG AMERICA SA TSINA.  Malayong maganap ang digmaan sa pagitan ng Tsina at America sa ngalan ng Pilipinas.  Mas malaking interes ang nakataya sa pagtutulungan ang kasunduan ng America at Tsina.  Ito ang sinabi ni Prof. Zheng Yongnian ng National University of Singapore, isa sa mga nagsalita sa Think Tank Seminar on South China Sea. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Prof. Zheng Yongnian ng East Asia Institute ng National University of Singapore na malayong makipagdigman ang America sa ngalan ng Pilipinas sa Tsina dahilan sa 'di pagkakaunawaan sa South China Sea.

Kahit pa nahaharap ang Tsina sa pressure kung paano ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pag-uusap matapos paboran ng Arbitral Tribunal, maninindigan ang Tsina sa isyu ng soberanya.

Hindi makikipagdigmaan ang America sa Tsina sapagkat hindi naman sila kabilang sa mga naghahabol (claimants) sa bahagi ng South China Sea. Taliwas din ito sa kanilang pambansang interes, dagdag pa ni Professor Zheng.

Wala umanong katulad na paniniwala ang Tsina na napapaloob sa Monroe Doctrine ng America. Kung papanig ang America sa Pilipinas sa isyung ito, higit na mabubulabog ang situwasyon.

Pag-aralan din ang mga nilalaman ng bilateral agreement sa pagitan ng America at Tsina. Higit na maraming interes ng napapaloob sa kasunduan, 'di tulad ng relasyon ng America sa Russia.

Ang America at Tsina ay nararapat lamang magtulungan, sapagkat sila ang haligi ng kalakal. Hindi kakayahin ng America na mawala sa kanilang panig ang Tsina.

Nag-aabang din ang Vietnam sa magaganap. Sa anumang magaganap, higit na mapapaboran ang Estados Unidos at Japan sa tensyon sa South China Sea. Maraming bansa ang maapektuhan sa desisyon ng Arbitral Tribunal sa pahayag nitong hindi pulo ang Taiping kaya't kailangang magkaroon ng bagong mapa sa daigdig.

Naging matagumpay ang negosasyon ng Tsina at Vietnam sa kanilang hangganan ng hindi dumudulog sa ikatlong panig. Bilateral negotiations ang susi sa mga 'di pagkakaunawaan. Ang joint development lamang ang magdudulot na kaunlaran sa rehiyon.

Nag-iilusyon ang ilang mga taga-Asia sa pag-asa sa America at Japan na lutasin ang isyu. Ang kailangan ay magkaroon ng independienteng foreign policy ang mga bansa sa rehiyon. Walang paki-alam ang America sapagkat hindi naman sila "stakeholder" sa mga isyu ngayon.

Maaari umanong tumayo ang America sa sandaling panahon subalit aalis din. Walang sinumang makapipigil sa America na huwag aalis sa oras ng kagipitan. Umasa umano ang ilang mga bansa sa America at ng iwanan ay higit na gumulo ang situwasyon.

Kung aasa lamang ang Pilipinas sa America, mawawala ang kalayaan o soberenya. Nararapat lamang umanong matuto ang Pilipinas sa karanasan ng Singapore na nanatiling matatag.

Ang katatagan sa rehiyon ay nakasalalay sa mga mamamayan ng rehiyon, dagdag pa ni Prof. Zheng.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>