Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Ang Lunsod ng Hangzhou 2016-09-08

Binuksan, Linggo, ika-4 ng Setyembre 2016, sa lunsod ng Hangzhou, sa gawing silangan ng Tsina, ang G20 Summit, at ito'y tatagal nang 2 araw mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre. Ang tema nito ay "Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig."

Ang naturang summit ay may temang "Towards an Innovative, Invigorated, Interconnected and Inclusive World Economy." Kalahok dito ang mga lider ng mga kasaping bansa ng G20, mga bansang panauhin, at mga namamahalang tauhan ng mga may kinalamang organisasyong pandaigdig.

Kultura ng pag-inom, mahalaga sa negosyo 2016-08-19

Simula pa noong sinaunang panahon, malaki na ang ginampanang papel ng pag-inom ng alak sa pagbuo ng relasyon sa pagitan ng ibat-ibang lahi at bansa. Kung matatandaan natin, nang dumating ang mga Kastila sa ating dalampasigan noong 1500's, nakipagkaibigan ang mga ito sa ating mga sinaunang hari at sultan sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, at pag-inom ng alak.

Marathon sa Gobi 2016-08-11

Nang mag-sign-up sa napakahirap na 7-day marathon sa Gobi Desert ang runner na si Dion Leonard, naisip niyang medalya lamang ang kanyang iuuwi pagkatapos ng kompetisyon.

Pero, matapos ang marathon, mayroon pa siyang iuuwi maliban sa kanyang medalya. Ano ito? Isang cute na mabalahibong aso na kasama niyang tumakbo sa loob ng 125 kilometro sa kahabaan ng Gobi Desert. Ang pangalan niya ay "Gobi."

Kakaibang balita 2016-08-04

Mga kaibigan, para sa episode natin ngayong gabi, mga kakaibang balita at syempre, musika ang aming ihahatid sa inyo. Bilang panimula, kuwento ni "Bantay" ang uunahin natin.

Sa maraming pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan, napatunayan na ng mga aso ang kanilang pagiging matapat sa mga tao. Marami na tayong narinig na kuwento na inialay ng aso ang kanyang buhay para iligtas ang kanyang amo at kaibigan. Mayroong asong nilabanan ang ahas hanggang sa kamatayan para iligtas ang pamilya ng amo, mayroong asong nanlaban sa isang holdaper na may patalim para protektahan ang kanyang kaibigan, etc

Guro ng Ingles 2016-07-28

Ang pagbibigay-diin sa pag-aaral ng wikang Ingles sa Tsina ay nagsimula noong mga huling dako ng dekada 70 at unang dako ng dekada 80. Sa ngayon, mayroon nang humigit-kumulang 200 milyong English speakers sa Tsina. Inaasahang patuloy pa itong tataas sa gitna ng patuloy ding pagtaas ng entusiasmo ng mga Chinese parent upang pag-aralin sa wikang Ingles ang kanilang mga anak.

Negosyanteng Pakistani sa Guangzhou 2016-07-21

Kapag pinag-usapan ang negosyo, may ilang bansang pumapasok agad sa isipan natin: nariyan ang India, Tsina, Amerika, Israel, Pakistan, etc.

Dito sa Timog-silangang bahagi ng Asya, hindi natin maididiskuwento ang kahalagahan ng probinsyang Guangzhou, Tsina sa pagnenegosyo. Ito ang tinatawag na manufacturing capital ng mundo, at lahat halos ng mga produktong ginagamit natin ay dito ginagawa. Kaya naman para sa Pakistani na si Fahad Javaid, pinili niya ang lugar na ito para kuhanin ang kanyang master's degree, at pag-aralan kung paana tumatakbo ang pamilihan ng Tsina.

Bagong Pag-asa sa Relasyong Sino-Pilipino, nakikita 2016-07-14

Kamakailan ay ginanap sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing, ang film showing ng "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" at "Heneral Luna," bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-118 na Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at Ika-41 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng ibat-ibang personahe mula sa Lipunang Tsino at diplomatic corps, at isa sa mga ito si Bai Tian, Deputy Director-General ng Department of Asian Affairs ng Ministry of Foreign Affairs (MFA) ng Tsina.

Pelikulang Pilipino, itinanghal sa Beijing 2016-07-08

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-118 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at Ika-41 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyon ng Pilipinas at Tsina, magkakasunod na itinanghal Hulyo 1 at 2, 2016 ang mga pelikulang "Bonifacio: Ang Unang Pangulo at Heneral Luna.

Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Minister at Consul General Elizabeth T. Te, na napili ang dalawang pelikula na ipalabas sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing upang ipakita sa mga Pilipino at mga kaibigan mula sa ibat-ibang bansa ang mga napaka-importanteng papel na ginampanan nina Andres Bonifacio at Antonio Luna upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga mananakop.

Tsina sa mata ng mamamahayag na Pinoy 2016-06-30

Sa kanyang pagdalaw sa himpilan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, sinabi ni Carla Lim, Diplomatic Correspondent ng TV5, na marami siyang natutunan sa kanyang pagdalo sa isang maikling kurso hinggil sa takbo ng media ng Tsina.

Ani Lim, natutuwa siya dahil, marami siyang nalinawang miskonsepsyon hinggil sa tunay na papel ng Chinese media.

Drone na pan-deliver? 2016-06-23

Madalas nating makita sa telebisyon ang mga Unmanned Aerial Vehicle (UAV). Ang mga ito ay ginagamit ng military at pulisya sa surveillance, at iba pang mga misyon na napakadelikado para sa mga tao. Malaki ang tulong ng mga ito upang maraming buhay ng ating mga Kasundaluhan at Kapulisan ang hindi mabubuwis.

Yoga sa Tsina 2016-06-16

Mga kaibigan, kapag sinabing Yoga, ano ang unang pumapasok sa isip nyo? Sa ating lipunan ngayon, marami sa atin ang may persepsyon na ang Yoga ay isang uri ng ehersisyo at maganda ang naidudulot nito sa ating katawan. Sa isang banda, totoo ito. Pero, ang Yoga ay may mas malalim pang kahulugan kaysa sa alam natin.

Karera ng Dragon Boat 2016-06-12

 Mga kaibigan, sigurado akong narinig na ninyo ang Dragon Boat Festival. Taun-taon, nagkakaroon tayo ng kompetisyon ng pabilisan ng pagsagwan ng bangka sa mga ilog, at madalas dyan sa Manila Bay.

Alam ba ninyo, ang ating Philippine national dragon boat team ay nanalo na ng maraming parangal? Sila ang official representative ng ating bansa sa mga global competitions. Ilan sa mga kompetisyong sinalihan at pinanaluhan ng ating national team sa ilalim ng International Dragon Boat Federation (IDBF)...

Ang Prinsesa ng Ceylon 2016-06-02

Noong 1417, kasama ang kanyang pamilya at royal entourage, Naglayag patungo sa Tsina si Paduka Pahala, Sultan ng Sulu, kasama ng kanyang pamilya, upang bisitahin at magbigay-galang sa kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng Ming Dynasty, na si Zhu Di.

Sa kanyang biyahe pabalik ng Pilipinas, nagkaroon ng malubhang karamdaman si Sultan Paduka Pahala at namatay sa bayan ng Dezhou, sa probinsya ng Shandong.

Musikong embahador 2016-05-26

Nakarinig na ba kayo ng embahador na nagpe-perform at tumutugtog ng instrumento na parang propesyunal na miyembro ng isang banda?
Kapag sinabing embahador, unang pumapasok sa isip natin ang pagiging diplomatiko, pormal, prim and proper, at marami pang iba.
Pero, alam ba ninyo, ang embahador ng Republic of Trinidad and Tobago sa Tsina,na si Chandradath Singh ang siya mismong tumutugtog ng mga tradisyonal na instrumento ng kanyang bansa sa ibat-ibang aktibidad?
Adik sa Crossfit 2016-05-19

Narinig na ba ninyo ang Crossfit? Isa sa mga fad o sikat na sikat na activity ngayon upang pabutihin ang pangangatawan ay ang cross fit. Isa itong uri ng exercise, na kumbinasyon ng gymnastics, pagtakbo, weight lifting at marami pang iba.

Napakarami ngayong tao sa buong mundo ang nahuhumaling sa cross fit. Sa atin dyan sa Pilipinas, alam kong halos lahat ng mga gym ay mayroon na nito.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>