Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Vicky Zhao: Pambihirang "Foodie" 2015-12-10

Ang Lanzhou ang capital city ng Gansu Province, sa northwest China. Ang Yellow River, ang Mother River ng China, na tulad ng Pasig River ay dumaraan mismo sa gitna ng siyudad. Kaya naman, makikita rito ang mga prutas, gulay, at pagkaing sariwa. Noong sinaunang panahon, isa itong key point ng ancient Silk Road. Ngayon, isa na itong hub ng Silk Road Tourism Ring, dahil matatagpuan dito ang mga lugar na tulad ng Maiji Caves, Bingling Temple Grottoes, Labrang Monastery at Dunhuang Mogao Caves.

Maker Fit: di lang pang-ensayo, pampamilya pa 2015-12-03

Ang Lanzhou City, Gansu province, na matatagpuan sa northwest ng China ay kilala sa maraming bagay, ilan dito ang beef noodles o niu rou mian, produktong galing sa rosas, masasarap na putahe ng beef at mutton, at marami pang iba. Ang Gansu province din po ay predominantly Muslim. At dahil ito ay bahagi ng sinaunang silk road, maraming impluwensya ang pumasok sa dito...

Wing Chun Kid 2015-11-20

Ang China ay ang bansang pinagmulan ng martial arts. At sinasabing mula rito, lumaganap ito sa ibat-ibang bahagi ng daigdig. Sa ngayon, madalas nating makita sa mga pelikula ang mga martial arts move, gaya ng mga pelikula nina, Jacky Chan,Jet Li, Donnie Yen: syempre, nariyan din ang Mixed Martial Arts (MMA) na ipinakilala naman ng Ultimate Fighting Championship (UFC). Dahil sa impluwensiyang hatid ng mga ito, maraming westerner o taga-kanluran ang nahilig sa pagpa-praktis ng martial arts ng China. Isa na po riyan si Jai Harman.

Pilipinas, lumahok sa Ika-7 International Culture Festival 2015-11-12

Sa kauna-unahang pagkakataon, lumahok kamakailan ang Pilipinas sa Ika-7 International Culture Festival na idinaos sa Tsinghua University Campus sa Beijing.

Sa pamamagitan ng suporta ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing at pangunguna ng Pilipinong estudyante na si Princess Grace Villegas Lam, naitayo ang cultural exhibit booth ng Pilipinas, kung saan, ipinakita sa mga mag-aaral na Tsino at mga dayuhan ang mga tradisyonal na kasuotan, laro, at sayaw ng Pilipinas: at siyempre, itinuro rin sa mga bumisita sa booth ang ilang salitang Filipino, ba gaya ng mabuhay, kumusta, tuloy po kayo, at marami pang iba.

Kahabaan ng Silk Road: Malikhaing Indiyano 2015-11-05

Ang 21st Century Maritime Silk Road at Silk Road Economic Belt, o sa madaling salita, One Belt and One Road (OBOR) ay isang development strategy at framework na isinusulong sa pangunguna ng China upang palakasin ang konektibidad at kooperasyon ng mga bansang nasa rehiyon ng Eurasia. Ang OBOR ay may dalawang bahagi; ang land-based na "Silk Road Economic Belt" (SREB) at ang oceangoing na "Maritime Silk Road" (MSR).

Rent a GF/BF 2015-10-30

Mga kaibigan, narinig na ba n'yo ang Rent a GF o BF? Dito sa China, mayroon na po nito,lalo na kapag may mga mahaba at espesyal na bakasyong gaya ng National Week, Spring Festival, etc. Eh, ano naman ka n'yo ang Rent a GF o BF? As the name suggests, kung wala kang boyfriend o girlfriend, pwede kang mag-subscribe sa isang cellphone app para maka-avail ng kanilang serbisyo. Mga kababayan, sa palagay n'yo, uubra ba ito sa Pinas?

8 Palace Handicrafts ng Beijing 2015-10-15

Ang sining ay maraming porma, at ito ay tanda ng pagkamalikhain ng sangkatauhan. Makikita ito sa bawat sulok ng mundo. Ito'y walang hanggahan, at marami ang nagsasabi na ang sining ang unibersal na wika: sang-ayon po ako rito, dahil sa sining, lahat ay nagkakaintindihan at pantay-pantay. Dito, hindi tinitingnan ang nasyonalidad, relihiyon, kasarian, etc; at kung minsan, hindi na rin kailangan ang mga salita. Dahil sa pamamagitan ng ibat-ibang obra maestra, naipapakita at nailalahad ng may-likha ang kanyang ideya at damdamin sa kanyang mga tagatangkilik.

Noni, pambihirang prutas 2015-10-08

Noon pong nakaraang episode ay napakinggan natin ang ating mga kababayang nag-exhibit sa Commodity Trade Pavilion ng Ika-12 China-ASEAN Exposition (CAExpo). Sinabi ko rin po na itutuloy natin ang kuwentuhan ngayong linggo dahil mayroon pang isang napaka-interesanteng exhibitor na nag-exhibit ng napaka-interesanteng produkto noong Ika-12 CAExpo.

Mga exhibitor ng Ika-12 CAExpo 2015-09-29

Mga kaibigan, last week ay nagpunta po tayo sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina upang i-cover ang mga pangyayari sa Ika-12 China-ASEAN Exposition (CAExpo).

Doon ay nakapanayam natin ang mga opisyal ng Pilipinas na namuno sa ating delegasyon; nariyan si Undersecretary Ponciano Manalo Jr. ng Department of Trade and Industry, Mayor Beng Climaco ng Zamboanga City, na siya ring City of Charm ng Pilipinas sa taong ito, opisyal ng mga export processing zone at free port, at marimi pang iba...

Tsaa ni Papp 2015-09-17

Mga kaibigan, ang kasaysayan ng tsaa sa Tsina ay talagang mahaba at komplikado. Ang sigurado, sa loob ng maraming henerasyon, ito ay iniinom ng mga Tsino.Ayon sa maraming iskolar, gamot daw ang tsaa para sa maraming karamdaman; para naman sa mga miyembro ng maharlikang pamilya noong sinaunang panahon, status symbol ang pag-inom ng tsaa.

TEDx sa Beijing 2015-09-10

Mga kaibigan, narinig na ba ninyo kung ano ang TEDx? Nakakita na ba ninyo sa Youtube ng mga TEDx video? Minsan ay nakapanood po ako nito sa Youtube na kinuha sa University of the Philippines (UP), kung saan nagsalita si Professor Felipe Jocano Jr. tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas at relasyon nito sa ating ipinagmamalaking sining na Arnis/Eskrima/Kali.

Arnis para sa Charity 2015-09-03

Noong April 25, 2015, isang lindol na may lakas na magnitude 7.8 sa Richter Scale at may episentrong matatagpuan sa distrito ng Lamjung, ang tumama sa bansang Nepal: ito ay kilala rin sa tawag na "Gorkha Earthquake." Kinitil nito ang buhay ng mahigit 9,000 katao, samantalang mahigit 23,000 iba pa ang nasugatan.

Bukod pa riyan, napakaraming kabahayan ang nawasak at daan-daang libong tao ang nawalan ng tahanan.

Kuwento ng Isang Igorot Fighter sa Beijing 2015-08-27

Mga kababayan, ang atin pong episode ngayong gabi ay tungkol sa palakasan, partikular, sa sports na Mixed Martial Arts o MMA.

Ang sports pong ito ay isa sa mga pinakamabilis na sumikat sa buong mundo at marami sa ating mga kabataan diyan sa Pilipinas, lalung-lalo na iyong mga nasa contact sports o martial sports ang sumasali rito.

Kulturang Espanyol sa Tsina 2015-08-20

Mga kaibigan, hindi isa, hindi rin dalawa, kundi tatlo: tama po ang narinig ninyo, tatlong kuwento ng ibat-ibang taong may nagkakaibang pananaw sa buhay at karanasan sa Tsina ang ating ihahatid sa inyo ngayong gabi.

Ang una ay istorya ng buhay ng Espanyolang si Inma Gonzalez Puy. Siya ay nagpunta sa Tsina noong 1979, noong ang Tsina ay nagsisimula pa lamang magbukas sa labas.

2022 Winter Olympics 2015-08-13

Noong taong 2008, ginanap sa Beijing ang Summer Olympic Games. Dahil dito, maraming oportunidad ang nakamtan ng lunsod: maraming imprastruktura ang naipatayo; bumuti ang transportasyon at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan; nagkaroon ng maraming oportunidad sa trabaho; at nagkaroon din ng pagkakataon ang bansa upang ipakilala sa mundo ang kultura nito. Sa pangkalahatan, masasabi nating nagkaroon ng positibo at pambihirang epekto ang nasabing Olimpiyada sa lunsod ng Beijing at buong bansa.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>