|
||||||||
|
||
Matagumpay na karanasan laban sa COVID-19 at paraan sa muling pagsisimula ng ekonomiya, mahalagang kontribusyon ng Tsina sa buong mundo: halimbawang dapat tularan ng Pilipinas 2020-06-05 Matagumpay na karanasan laban sa COVID-19 at paraan sa muling pagsisimula ng ekonomiya, mahalagang kontribusyon ng Tsina sa buong mundo: halimbawang dapat tularan ng Pilipinas Binuksan Mayo 21 at 22, 2020 sa Beijing ang pinakamalaking taunang politikal na kaganapan sa Tsina - ang Dalawang Sesyon o Liang Hui. |
Pambansang Pagdadalamhati ng Tsina para sa mga Nasawi sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), idinaos 2020-04-04
Ito po si Rhio Zablan para sa espesyal na programa ng Serbisyo Filipino - China Media Group hinggil sa Pambansang Pagdadalamhati ng Tsina para sa mga Nasawi sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Ito rin ay isang programa ng paggunita sa buhay at kabayanihan ng mga martir na nag-alay ng huli at pinakamataas na sakripisyo sa pagpuksa sa epidemiya ng COVID-19. |
Chun Jie: Taon ng Daga 2020 Unang Bahagi 2020-01-17
Sa Enero 25, ipagdiriwang po ng mundo ang Bagong Taong Tsino, o Pestibal ng Tagsibol. Sa wikang Tsino, o Mandarin, ito ay tinatawag na Chun Jie (春节), at ito ang ang pinaka-importanteng pagdiriwang ng Nasyong Tsino. Di tulad sa atin, dito sa Tsina, ang selebrasyon ng Chun Jie o Bagong Taong Tsino ay mas mahaba, at ito ay tumatagal ng halos isang linggo. |
Araw ni Rizal at pagtitipon ng mga Pinoy sa Kapaskuhan, idinaos sa Beijing 2019-12-26
Bago ang lahat, nais ko po munang bumati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! Sana'y naging maluwalhati ang pagsalubong natin sa Pasko at naging masagana ang ating Noche Buena. Eh, kumusta naman iyong ating mga inaanak dyan? Naibigay na po ba ang kanilang aginaldo? Naku! Sigurado akong abala ang mga bata sa paghahanap ng kanilang mga ninong at ninang. |
Penomena ng Disyembre 12 2019-12-13
Papalapit na ang Pasko at Bagong Taon, kaya panahon na naman ng pamimili ng regalo para sa ating mga inaanak at mahal sa buhay. Sana naman ay natanggap na ninyo ang inyong mga bonus at 13th o 14th month pay para maging tunay na masaya ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. At speaking of Kapaskuhan at pamimili ng regalo, dito sa Tsina, parami nang parami na rin ang mga taong nagdiriwang ng Kapaskuhan, lalo na ang mga kabataan. |
Espesyal na episode sa Ika-2 CIIE: TNK at pananaw ni Kalihim Ramon Lopez ng DTI sa Ika-2 CIIE 2019-12-05 Mula Nobyembre 5 hanggang 10, 2019, idinaos sa Shanghai, Tsina ang Ika-2 CIIE. Sa 6-araw na ekspo, nagtanghal ang 181 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig, kasama ang mahigit 3,800 kompanya. Mahigit 500 libong propesyonal na mamimili mula sa loob at labas ng Tsina ang bumisita rito. Nalagdaan din ang mga kasunduan at kontrata ng intensyon na nagkakahalaga ng mahigit $US71 bilyong dolyares, na mas malaki ng 23% kaysa unang CIIE. |
Espesyal na episode sa Ika-2 CIIE: Reaksyon ng mga Pilipinong eksibitor sa Ika-2 CIIE 2019-11-29
Gaya ng pangako natin noong nakaraang linggo, isa na namang behind the scene na kuwento ang ilalahad namin sa inyo tungkol sa katatapos lamang na Ika-2 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina. Siyempre, kasama sa ihahain namin sa episode na ito ang mga pakinabang ng ating mga eksibitor at ang mga positibong epekto ng nasabing ekspo sa pagkakaroon ng trabaho ng mga Pilipino, pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, at pag-angat ng relasyong pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina. |
Espesyal na episode sa Ika-2 CIIE: Maliban sa prutas at produktong agrikultural; pagkaing Halal, disenyo at modang Pinoy, itinampok din sa Ika-2 CIIE 2019-11-22
Tulad ng sinabi natin noong nakaraang linggo, sa mga susunod na episode ng DLYST, ilalahad namin sa inyo ang ilang tampok at mahahalagang pangyayaring naganap sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE), kabilang na siyempre ang mga pakinabang na dalang pauwi ng ating mga eksibitor at ang mga positibong epekto ng nasabing ekspo sa pagkakaroon ng trabaho ng mga Pilipino, pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, at pag-angat ng relasyong pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina. |
Espesyal na episode sa Ika-2 CIIE: Multimilyong kontrata ng pagluluwas, nakuha ng mga Pinoy na kompanya 2019-11-15 Mula Nobyembre 5 hanggang 10, 2019, idinaos sa Shanghai, Tsina ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Nagtanghal sa 6-araw na ekspong ito ang 181 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig, kasama ang mahigit 3,800 kompanya. Bumisita naman sa ekspo ang mahigit 500 libong propesyonal na mamimili mula sa loob at labas ng Tsina. |
Pilipinas, lalahok sa Ika-2 CIIE: delegasyong Pilipino pangungunahan ni Sec. Ramon Lopez 2019-10-29 Noong Mayo 2017, inanunsiyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Belt and Road Forum for International Cooperation, ang pagdaraos ng kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) sa 2018. |
Cebu, magiging sentro ng "Turismo ng Arnis" ng Pilipinas 2019-04-25 Sa loob ng daan-daang taon, ginamit ng mga ninunong Pilipino ang KALI/ARNIS/ESKRIMA bilang pangunahing panangggalang laban sa mga mananakop. Bago pa man dumating ang mga Kastila noong 1521, ganap nang buo at mayaman ang sining na ito, na sumisimbolo sa tunay na kultura at uri ng pamumuhay nating mga Pilipino. Ang Itak o Bolo ay siyang kagamitan ng ating mga ninuno upang makakuha ng ikabubuhay at pantaguyod sa pamilya at pamayanan. |
Promosyong panturismo ng Pilipinas, idinaos sa Beijing 2019-04-18 Sa pagtataguyod ng Kagawaran ng Turismo-Beijing (DoT)—Beijing Office at Tourism Promotions Board (TPB), idinaos Abril 17, 2019 sa Hilton Hotel, Liangmaqiao, Beijing ang Philippine Tourism Product Presentation and Business Matching 2019. |
Respeto at pagkakaibigan nina Duterte at Xi, pundasyon ng paglakas ng relasyong Pilipino-Sino 2019-03-29 Idinaos kamakailan sa Beijing ang pagtatagpo nina Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, at Wang Yi Kagawad ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina. |
Tsina, pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas noong 2018 Ikalawang bahagi 2019-03-22
Noong nakaraang episode, tinalakay natin ang isang magandang balita hinggil sa relasyong pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina, na magdadala ng maraming pag-unlad at trabaho para sa nakararami nating kababayan. Sa ating eksklusibong panayam kay Glenn Penaranda, Trade Attache ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang, noong 2018, ang Tsina ang siya nang naging pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas. |
Tsina, pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas noong 2018 2019-03-13 "Sa taong 2018, ang Tsina ang siya nang naging pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas," ito ang ipinahayag, Marso 11, 2019, ni Glenn G. Penaranda, Trade Attache ng Pilipinas sa Tsina, sa kanyang panayam sa Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG). |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |