|
||||||||
|
||
Mundo ng Musika 2015-08-06 Mga kaibigan, narinig na po ba ninyo ang kasabihang, "ang musika ay mahiwaga at nakapagbibigay ng panibagong buhay?" Para sa episode natin ngayong gabi, bibigyan namin kayo ng panibagong buhay at saya sa pamamagitan ng dalawang kuwentong hinggil sa musika. Ipinanganak sa Russia, tumira sa Europa, at ngayon, feeling at home sa Beijing, ang misyon ni Maria Nauen ay pag-isahan... |
Spartans sa Beijing 2015-07-30 Natatandaan pa ba ninyo ang pelikulang "300" na ipinalabas noong 2006? Sigurado akong marami sa inyo ang nakapanood nito, kasama na po ang inyong lingkod. Para po doon sa mga hindi nakapanood, ang kuwento ng "300" ay tungkol kay Haring Leonidas ng City State ng Sparta, sa Gresya at kanyang 300 personal na kawal. Noong 480BC, sinubukan ni Leonidas at kanyang 300 mandirigma na labanan ang humigit-kumulang sa 300,000 kawal ng Imperyo ng Persia na gustong sumakop sa Sparta, na pinamumunuan ni god-King Xerxes. |
Tara! Curry na! 2015-07-16 Noong nakaraang linggo ay ikinuwento namin sa inyo ang istorya ng isang Indiyanong nagtayo ng sariling restawran sa Beijing, at nakita natin kung ano ang kanyang mga bentahe at disbentahe bilang isang dayuhan dito sa Tsina. Alam po ba ninyo, hindi po siya nag-iisa. Aba! Nagulat po ang inyong lingkod nang mapag-alaman kong mayroon pa palang isang Indiyano rito sa Beijing na nagtayo ng restawran na nagsisilbi ng Indian Cuisine, na may infusion ng Chinese Cuisine. Na-curious po tayo kung ano naman ang kanyang karanasan. Kaya minabuti po natin na pakinggan din ang kanyang kuwento. |
Negosyong Indiyano 2015-07-09 Si Gireesh Singh Chowdhury ay may-ari ng isang Indian restaurant sa Beijing. Siya ay ipinanganak sa New Delhi, India, pero, lumisan siya patungong ibang bansa noong siya ay 8 taong gulang pa lamang. Lumaki siya sa boarding school at kolehiyo sa ibat-ibang panig ng mundo, at ngayon ay naninirahan sa Tsina sa nakalipas na 10 taon. Ang restawran ni Gireesh ay ang Punjabi Indian restaurant sa Solana Beijing. Sa ngayon, ikinokonsidera ri Gireesh ang Tsina bilang kanyang tahanan. Ito ang kanyang kuwento. |
Ang Baliw ng Yangshou County 2015-07-02 Limang taon na ang nakaraan, nagbitiw sa kanyang trabaho si Ian Hamlinton bilang China tour guide sa Yangshuo County ng Guangxi Zhuang Autonomous Region.. Lumipat siya sa Jiuxian, isang maliit na baryo upang magsimula ng kanyang sariling negosyo. Dito, nirentahan niya ang 6 na matandang bahay na itinayo noong Qing Dynasty, na kanyang nakita sa kanyang paglilibot. Hindi maintindihan ng marami sa mga lokal na mamamayan kung bakit nirentahan ni Ian ang matatandang bahay na ito, dahil ayon sa kanila; ang mga ito ay kinakain nan g mga anay at halos wala nang pakinabang. Dahil diyan, si Ian ay binansagan ng mga lokal na residente bilang "Fengzi," na nangangahulugang "baliw." |
Laro ng Anino 2015-06-25 Ang Shadow Puppetry o kilala rin sa tawag na Shadow Show ay isang tardisyonal na palabas sa Tsina at di-maihihiwalay na bahagi ng pamanang kultural ng Tsina sa mundo. Ito ay sinaunang paraan ng pagkukuwento at paglilibang gamit ang mga ginupit na papel na inilalagay sa likod ng inilawang telon upang ang mga ito ay mabigyang-buhay sa entablado. |
Lady Kawanggawa 2015-06-18 Sa tuwing magbubukas tayo ng radyo, telebisyon, mag-sa-surf sa internet, at magbabasa ng diyaryo, madalas nating makita ang mga sakunang nangyayari sa ibat-ibang dako ng daigdig, mga digmaan, mga di-inaasahang kaganapan at marami pang iba. Ang mga ito ay lumilikha ng maraming kahirapan sa buhay ng mga mamamayan; pagkawala ng buhay at ari-arian... |
Daddy DJ 2015-06-11 Si Reggie Geldenhuys ay dumating sa Shanghai, Tsina, 5 taon na ang nakakaraan, kasama ang kanyang kabiyak. Dahil sa kanyang mahigit 10 taong karanasan bilang Disk Jockey (DJ), madali siyang naka-adjust sa buhay sa Shanghai at di-nagtagal, nagging isa sa mga pinaka-in-demand na performer sa mga club sa lunsod. |
Gay marriage, palagay n'yo? 2015-06-04 Ang same-sex o gay marriage ay isang isyung hindi pa rin tanggap sa karamihan sa mga bansa sa daigdig. Nagkakaiba ang pananaw rito ng maraming tao mula sa ibat-ibang antas ng lipunan, pati na ang mga eksperto. Sa atin dyan sa Pilipinas, marami ang nagsusulong nito, pero, dahil mahigpit ang pagtutol ng, pangunahin na, Simbahang Katoliko at iba pang religious organization, hindi ito legal sa bansa... |
Sapatos ko, hanep to 2015-05-28 Si Koen Naber ay 32 taong gulang na taga-Netherlands. Siya ngayon ay may-ari ng isang shoe shop sa Beijing. Dala ang pangarap na magtayo ng sariling kompanya, dumating siya sa Tsina, mahigit 4 na taon na ang nakakaraan. Pagkatapos ng isang taon na pagtatrabaho sa Tsina bilang abogado, binitawan ni Koen ang karera at nagtayo ng sariling negosyo. |
Golf sa Tsina 2015-05-21
Si Mark O'Connell ay isang laowai na naninirahan sa lunsod ng Shenzhen, probinsya ng Guangdong, dakong timog ng Tsina. Siya ay nagmula sa pinakasikat na golf course sa Timog Aprika, ang Fancourt. Ang dating pangulo ng Timog Aprika na si Nelson Mandela, at mga golf superstar na sina Tiger Woods at Gary Player ay kanyang mga customer. Dumating siya ng Shenzhen, limang taon na ang nakakaraan. |
SerpentZA: Blogger ng Shenzhen 2015-05-14 Si Winston Sterzel ay isang "laowai" mula sa Timog Aprika. Siya ngayon ay nakatira sa lunsod ng Shenzhen, probinsyang Guangdong, sa may timog na bahagi ng Tsina. Si Winston ay abala sa maraming bagay, at isa sa mga ito ay ang pagiging blogger. Sa pamamagitan ng kanyang mga video blog na kinuha mula sa mga kalye ng Shenzhen, naipapakita niya sa mundo ang "tunay na Tsina." |
Rakenrol time 2015-05-07 Si Scott Slepicka ay taga-Minnesota, Amerika. Siya ay nagpunta rito sa Tsina, mahigit 1 taon na ang nakakaraan, pero, kahit maikling panahon pa lang ang ginugugol niya sa bansa, feel at home na kaagad siya. Bago siya nagpunta sa Tsina, siya ay isang English teacher sa Timog Korea. |
Aral sa abroad 2015-04-30 Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina, umunlad din ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Kaya naman, tumaas din ang appeal ng Tsina sa mga mag-aaral mula sa ibang bansa. Ayon sa pinakahuling datos mula sa Ministri ng Edukasyon, ang Tsina ngayon ang siya nang ika-3 pinakapopular na "study destination" para sa mga expat na estudyante. Naungusan na po ng Tsina ang Pransya sa arenang ito. Ang pangtalawa ay United Kingdom, samantalang nasa unang puwesto ang Amerika. |
Pagpapalaganap ng Wushu 2015-04-23 Ang Kung Fu at Wushu ay mga karaniwang salitang iniu-ugnay sa Chinese Martial Arts. Pero, alam po ba ninyo na ang mga terminong "Kung Fu" at "Wushu" ay magkaiba ang ibig sabihin? Totoo po mga kaibigan! Ayon sa Ingles na bersyon ng website ng China Central Television (CCTV), opisyal na himpilan ng telebisyon ng Tsina, ang salitang "Wushu" ay nangangahulugang "Martial Arts;" kaya, ang Chinese "Wushu" ay nangangahulugang Chinese Martial Arts. |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |