|
||||||||
|
||
Beijing, billionaire capital ng mundo 2018-03-08 Parami nang parami ang bilang ng mga bilyonaryo sa buong mundo at ang Tsina ang nangunguna sa listahan, ito ang nakasaad sa 2018 Hurun Report, na isinapubliko kamakailan. Hanggang Enero 31, may 2,694 na bilyonaryo sa 68 bansa, at ang bilang na ito ay mas mataas ng 437 kumpara sa bilang noong nakaraang taon. |
Alam mong ika'y nasa Tsina kapag... 2018-03-01 Bawat lugar sa mundo ay may kanya-kanyang katangian at kultura. Kung ang isang taga-Asya ay magpupunta ng Amerika o Europa, mapapansin niya agad ang kaibahan sa kaugalian ng mga tao, kaibahan sa kanilang pagkain, kaibahan sa uri ng pamumuhay, kaibahan sa pananamit, relihiyon, etc. Makikita rin niya ang mga katangiang likas at matatagpuan lamang sa lokalidad kung nasaan siya. |
Pinakamalaking migrasyon ng tao sa daigdig 2018-02-22 Kakatapos lang po ng Spring Festival/Chun Jie o Chinese New Year, ang pinaka-importanteng pestibal ng Tsina. Alam po ba ninyo na tuwing panahong ito, nagkakaroon ng tinatawag na pinakamalaki at pinakamalawak na migrasyon ng tao sa daigdig? |
Bagong Taon ng Tsina 2018-02-19 Ang Bagong Taong Tsino o Chun Jie (春节) sa wikang Tsino ay ang pinaka-importanteng pagdiriwang ng Nasyong Tsino. Pero, ano nga ba ito? Para maliwanag po nating maisalaysay ang tungkol sa Chun Jie, kailangan muna nating talakayin ang tungkol sa kalendaryong Tsino, o Nong Li (农历). Ang Nong Li ay ang tradisyonal na kalendaryo ng Tsina, at kadalasang ginagamit sa agrikultura. |
Etekite ng Pagkaing Tsino 2018-02-01 Mga kaibigan, noong nakaraang episode ay pinag-usapan natin ang tungkol sa 8 uri ng pagkaing Tsino o 8 Chinese Regional Cuisines. Para doon sa mga hindi nakapakinig noong isang linggo, pwede pa rin ninyong mabalikan ang episode na ito. Mag-log-on lamang sa filipino.cri.cn at hanapin ang page ng Dito Lang 'Yan Sa Tsina (DLYST), o di kaya ay magpunta sa filipino.china.com at mapapakinggan ninyo ang episode na ito. Anyway mga kababayan, matapos nating talakayin ang 8 uri ng Chinese cuisines, pag-usapan naman natin ang mga etiketa o etiquette o table manners sa hapag-kainang Tsino. |
Pagkaing Tsino 2018-01-25 Sa loob ng 3,000 taong kasaysayan ng sibilisasyong Tsino, natural lamang na magkakaroon din ng mahaba at mayamang kasaysayan ang pagkaing Tsino. Karamihan sa ating mga Pinoy, kapag sinabing "Chinese Food," ang agad na pumapasok sa isipan natin ay mga pagkaing natatagpuan sa Binondo – sa isang banda, tama po iyan, dahil ang mga pagkaing kinalakihan na natin ay bahagi rin ng mayaman at dibersipikadong kultura ng pagkain ng Tsina. |
Ang pambihirang kuwento ni Snow Flake Boy 2018-01-18 Mga kaibigan, kasalukuyan ngayong taglamig sa Tsina, at halos lahat ng bahagi ng bansa ay may average na temperatura na -4 hanggang -8 degrees celcius. Alam ko pong para sa karamihan sa ating mga Pinoy, hindi natin lubos maisip kung gaano kalamig ang mga temperaturang ito. Sa totoo lang, sa bandang hilagang silangan Tsina, tulad ng mga probinsyang Liaoning, Jilin, at Heilongjiang, ang temperatura ay nasa mga -20 degrees celcius. |
Hangin ng Beijing, 20% mas mailinis na 2018-01-11 Sa pag-iimplementa ng public transport modernization program ng Duterte Administration, inaasahang mapapaginhawa, mapapadali at magiging komportable ang paglalakbay ng di-mabilang na mamamayang Pilipino. Hindi lang 'yan mga, kaibigan, ito rin ay nakikitang solusyon sa lumalalang problema sa polusyon, dulot ng mga luma, di-ligtas at karag-karag na pampasaherong jeepney na naglipana sa lansangan ng Metro Manila at iba pang malalaking lunsod sa bansa. |
Pasko sa Tsina 2017-12-29 Maligayang maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat! Sana naging masagana at masaya ang noche buena natin noong Pasko at sana, maging mapayapa at ligtas ang darating na pagdiriwang ng inyong Bagong Taon. At siyempre, gaya ng lagi nating paalala taun-taon, ingat po sa paputok. Kami po rito sa Beijing, medyo kakaiba ang aming Pasko at Bagong Taon, hindi po kasi tradisyonal na kapistahan dito sa mainland ng Tsina ang ating Pasko at Bagong Taon. |
Dokumentaryo hinggil sa Pilipinong Sultan na nakahimlay sa Tsina, isinasagawa ng PBS-RTVM 2017-12-21 Dumalaw kamakailan sa himpilan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina ang ilang miyembro ng Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacanang (PBS-RTVM), upang makipagpalitan ng pananaw at kuru-kuro at matuto sa mga pag-unlad na nakamit ng Tsina sa larangan ng media at pamamahayag. Nakapanayam din po ng inyong lingkod si Jayvee James Cosico, ang team leader ng grupo ng PBS-RTVM. |
Tsina, bukas sa mga talentong dayuhan 2017-12-19 Tulad po ng nabanggit natin noong mga nakaraang episode ng DLYT, dahil sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong Oktubre 2016, bumalik sa tamang landas ang relasyon ng Pilipinas at Tsina, at talaga namang napakaraming pagbabago ang nangyari, nangyayari at mangyayari sa relasyon ng dalawang bansa. Isa siguro sa pinakakapansin-pansing pag-unlad ay makikita sa larangan ng negosyo at trabaho. |
Malaking pag-unlad, nakamtan ng Pilipinas at Tsina sa pagbisita ni PM Li Keqiang 2017-11-30 Mga kaibigan, idinaos po kamakailan dito sa Beijing ang 2017 International Industrial Capacity Cooperation Forum (IICCF) at Ika-9 na China Overseas Investment Fair (COIFAIR), at doon ay dumalo ang bagong Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, na si Glenn G. Penaranda. |
Wikang Filipino, pinag-aaralan sa mga unibersidad ng Tsina (Part II) 2017-11-28
Noong nakaraang episode ng DLYST ay kinapanayam natin sina Dr. Ato at Dr. Cathy ng Southeast Asian Studies ng Peking University o Beida, hinggil sa kursong Philippine Studies o Araling Pilipino. Ito ay binuksan sa nasabing unibersidad noong 1985, at ngayon ay itinuturo na rin sa Beijing Foreign Studies University o Beiwai at Yunan Minzu University sa Probinsyang Yunan, dakong timog ng Tsina. Pero, kinapos po tayo sa oras, kaya kinailangan nating pansamantalang mamaalam sa ere. |
Wikang Filipino, itinuturo sa mga unibersidad ng Tsina (Part I) 2017-11-16 Dito po sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, maraming kasamahang Tsino na marunong magsalita ng Wikang Filipino. Pero, hindi po sila mga Filipino-Chinese o mga Tsinoy, sila ay ipinanganak, lumaki at nag-aral sa mainland ng Tsina. Kung mapapansin po ninyo ang iba naming programa, tulad ng Pag-aaral ng Wikang Tsino, MaArte Ako, Sa Pali-paligid ng Tsina at iba pa, may mga kasamahan po akong Tsino na nagsasalita ng Filipino, na gaya ni Jade o Xian Jie. |
Tourism Promotion Fair ng Probinsyang Shanxi 2017-11-09 Sa ilalim ng temang "Shanxi, Land of Splendor," idinaos kamakailan sa China World Summit Wing ng Beijing ang isang tourism fair upang ipakilala sa mga kaibigang dayuhan o expatriate sa Tsina ang Probinsyang Shanxi. |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |