|
||||||||
|
||
Kababaihan, kalahati ng kalangitan 2012-06-21 Minsan ay sinabi ni Chairman Mao Zedong, na "Hawak ng mga Kababaihan ang Kalahati ng Kalangitan." Ito ay bilang pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae sa Tsina, at pagkilala sa karapatan at kontribusyon ng mga kababaihang Tsino sa pag-unlad ng mundo. Noong nakaraang Sabado, ang mga katagang ito ay literal na nagkatotoo. |
Kuwento ng isang bayani 2012-06-07 Mga kaibigan, sino po ang pumapasok sa inyong isipan kapag binabanggit ang salitang bayani? Marahil, ang iba sa atin, ang sasabihin ay Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, di kaya, Heneral Gregorio Del Pilar, o Ninoy Aquino. Siguro iyong iba naman, sasabihin, ang mga OFW. Alin man diyan ang ating sagot, tama po lahat iyan. Pero, alam po ba ninyo na lahat tayo ay maituturing na bayani sa ating sariling paraan? |
Usapang Kotse 2012-05-18 Kayo poba ay mahilig sa mga kotse? Kayo po ba ay gumagamit ng kotse sa inyong pagpasok sa trabaho? Ito ba ay nagbibigay ng kombinyensya o problema, lalo na kapag natatrapik? Mga kaibigan, sa kabila ng ala rocket na pagtaas ng presyo ng gasolina at langis, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng kotse or serbis sa kanilang pagpasok sa trabaho, pagnenegosyo, at marami pang iba. Dahil sa panahon ngayon, ang paggamit ng kotse ay isa nang nesesidad para sa marami sa atin. |
Mamamayan, pasasayahin ng pamahalaan 2012-05-03 Magandang magandang gabi po mga kaberks. Naririto na naman po si Rhio, ang guwapong Tarlakenyo, para sa isa na namang episode ng programang Dito lang 'Yan sa Tsina. Sa anumang bansa sa buong mundo, ang pag-unlad ng ekonomiya ay may kaakibat ding pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan. Kadalasan, ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng kalungkutan at pagkadiskontento sa buhay ng mga mamamayan. Sa loob ng ilang dekada, pagkatapos ng pagbubukas sa labas ng Tsina, unti-unting lumabas ang ganitong suliranin. |
Tara, biyahe tayo! 2012-04-19 Magandang magandang gabi po mga kaberks. Naririto na naman po si Rhio, ang guwapong Tarlakenyo, para sa isa na namang episode ng programang Dito lang 'Yan sa Tsina. Mga kaberks, dito sa Beijing ay papasok na po ang summer o tag-init, at opisyal namang nasa kalagitnaan ng tag-init ang Pilipinas. Siguradong marami sa atin ang gustong magpunta o nagpunta na sa mga beach; diyan sa Bora, Palawan, Bohol, Batangas, La Union, at Pangasinan, o di kaya, ay gustong magtungo sa malalamig na lugar na gaya ng Baguio, Ifugao, o Sagada. |
Hataw sa tagsibol 2012-04-06 Ngayon po ay tagsibol na sa Beijing. Sa panahong ito, karaniwan nang makikita ang mga naggagandahan at namumukadkad na bulaklak, na may ibat-ibang kulay sa mga kalsada at mga hardin. Kapansin-pansin din ang mga tao na namamasyal sa mga kalsada tuwing sumasapit ang gabi, bagay na hindi mo makikita kapag panahon ng taglamig. Nagsisimula na ring nagsusuot ng mas maninipis na damit ang karamihan sa mga mamamayan, at naglilitawan na rin ang mga nagbebenta ng pagkain at mga damit sa gilid ng mga kalsada, na katulad din ng karaniwan nating nakikita sa Pilipinas. |
Touching China 2012-03-29 Sa mundong ating ginagalawan sa ngayon, kapansin-pansing napakaraming suliranin ang ating kinakaharap, nariyan ang mga problema sa kapaligiran na dulot ng mga sakuna sa kalikasan, tulad ng mga baha, lindol, kakulangan sa enerhiya, problemang nuklear, mga digmaan, at ibat-ibang porma ng terorismo. Sa harap ng mga nabanggit na suliranin, makikita natin ang pangangailangan sa mga mamamayang naninindigan para sa mapayapang pag-unlad at mga nilalang na nagmamahal sa kapayapaan, pag-unlad ng lipunan, at mga mamamayang gumagawa ng hakbangin, na kahit munti ay nagsusulong ng pagbabago. |
Spring Festival, ano ba ito?(Ikalawang bahagi) 2012-02-02 Magandang magandang gabi mga katoto, kapanalig, at kabarkada. Welcome muli sa programang may tatak Tsina at pusong Pinoy, ang Dito lang 'Yan sa Tsina. Ito po ang inyong host, ang guwapong Tarlakenyo, Lakay Rhio. Noong nakaraang linggo ay pinag-usapan po natin ang hinggil sa pagdiriwang ng Spring Festival sa Tsina at ang mga kaukulang paghahanda ng pamahalaan upang magkaroon ng akomodasyon ang mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya. Ngunit sa kasamaang palad ay kinapos po kami ng oras... |
Mga bagay na di pa ninyo alam tungkol sa Tsina 2012-01-05 Magandang magandang gabi mga katoto, kapanalig, at kabarkada. Welcome muli sa programang may tatak Tsina at pusong Pinoy, ang Dito lang 'Yan sa Tsina. Ito po ang inyong host, ang guwapong Tarlakenyo, Lakay Rhio. Alam nating lahat na napakaraming magagandang bagay, lugar, at kaugalian dito sa Tsina, kasama na riyan ang Great Wall of China, Tian'anmen Square, Summer Palace, Bundok Wuhan,mga masasarap na pagkain, at marami pang iba. Pero, dahil kapapasok pa lamang ng bagong taon, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga bagay at pangyayari na hindi pa ninyo alam hinggil sa Tsina. |
Magturo'y di biro: Isang pagpupugay sa mga guro 2011-12-22 Noong ako'y bata pa, lagi kong naririnig sa aking mga naging guro, na ang pagtuturo ay hindi birong propesyon, at napakalaking responsibilidad ang nakaatang sa kanilang mga balikat. |
Evening Gala para sa ika-70 anibersaryo ng CRI, idinaos 2011-12-07 Isang masaya at buhay na buhay na pagtitipon na tinampukan ng ibat-ibang pagtatanghal mula sa mga mamamahayag at manggagawa ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) ang idinaos noong ika-29 ng Nobyembre sa International Theater of China, dito sa Beijing. Ang naturang pagtitipon ay kabilang sa mga serye ng aktibidad na inilinya ng CRI bilang paghahanda sa pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo nito sa ika-3 ng Disyembre. Bukod sa pagiging mamamahayag at tagapagsahimpapawid ng balita... |
Tian'anmen Square: Sentro ng Beijing 2011-11-24 Alam kong marami na sa atin ang nakababatid sa Tian'anmen Square. Kapag sinabing Tsina, ang unang pumapasok ng karamihan sa atin ay ang Great Wall of China, at siyempre, Tian'anmen Square, kung saan makikita ang malaking litrato ng lider na si Chairman Mao Zedong... |
Tsibugan sa Nanning 2011-11-10 Mga kaberks, noong nakaraang linggo ay naikuwento ko sa inyo ang tungkol sa bayan ng Yangshuo sa Lunsod ng Guilin. Para sa ating episode sa linggong ito, pag-usapan naman natin ang tungkol sa pagkain; alam ko, marami sa atin ang mahilig dito, lalung-lalo na ako at si Pareng Ernest... |
Isang tradisyunal na kasal Tsino 2011-10-18 Huwebes ng hapon nang sabihan ako ni Tata Frank na imbitado raw ako sa kasal ng ating Happiest DJ na si Sissi. Ang kasal, aniya ay gaganapin sa Sabado, ika-15 ng Oktubre, sa isang nayon sa bandang hilaga ng Beijing. Sinabi rin ni Frank na hindi ito kagaya ng mga nakita ko nang seremonya ng kasal, dahil ito ay isang tradisyunal na kasal Tsino. Daglian naman akong sumang-ayon dahil hindi pa ako nakakakita ng ganoong klaseng kasal... |
On-line shopping sa Tsina, isang multi-bilyon dolyar ma industriya 2011-09-05 Dahil sa aking pagkahilig sa sports, partikular na sa Brazilian Jiu-Jitsu (BJJ) at Taekwondo, nagkaroon po ako ng hindi inaasahang pinsala sa aking kaliwang tuhod; isang minor sprain na nag-udyok sa akin para bumili ng isang pansuporta sa tuhod o knee protector kung tawagin sa Ingles. Dahil sa aking pagkahilig sa sports, partikular na sa Brazilian Jiu-Jitsu (BJJ) at Taekwondo, nagkaroon po ako ng hindi inaasahang pinsala sa aking kaliwang tuhod; isang minor sprain na nag-udyok sa akin para bumili ng isang pansuporta sa tuhod o knee protector kung tawagin sa Ingles... |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |