|
||||||||
|
||
Buhay-supermodel 2014-08-07 Mga pengyou, para sa ating episode ngayong gabi, isa na namang nakakamanghang kuwento ng buhay expat o laowai sa Tsina ang ating sisilipin. Uusisain natin kung anu-ano ang mga karanasan ni Doris Kwaka, isang supermodel na taga-Kenya, sa Gitnang Kaharian; bakit niya napili ang Tsina bilang lugar kung saan manatili; at anu-ano ang mga oportunidad na hain ng bansang ito sa kanyang karera at kanyang buhay. Sa episode na ito, ipapakita rin ni Doris ang kanyang buhay, on stage at backstage. Narito po ang kanyang kuwento. |
Tadhana sa Tsina 2014-07-31 Mga pengyou, para sa episode natin ngayong gabi, susubukin muli nating maglakbay sa mundo ng mga laowai o mga dayuhang naninirahan at nagtatrabaho rito sa Tsina. Kukumustahin natin ang buhay ni Maria Kargbo, isang talentadong taga-Sierra Leone. Si Maria ay nagpunta sa Tsina noong 2004 para lumahok sa isang beauty contest: noong 2007 bumalik siya para sa patimpalak na Xing Guang Da Dao o Star Avenue: at noong 2009, muli siyang nagpunta sa Tsina para sa Miss World. Dito, isa siya sa mga napiling Top 10... |
Itim na rapper ng Tsina 2014-07-24 Ang rap ay nagsimulang sumikat mula sa Amerika noong huling dako ng dekada 70 at unang dako ng dekada 80. Mula noon, mabilis itong lumaganap at sumikat sa buong mundo. Ang mga unang nagpasikat ng pagra-rap ay ang mga African-American, at magpahanggang ngayon, sila pa rin ang karamihan sa mga sikat na artista at manganganta pagdating sa ganitong uri ng musika. Pero, mayroon ding ilang puti o Caucasian na sumikat sa pagra-rap, na gaya nina, Vanilla Ice at Eminem... |
Laowai na TV host 2014-07-16 Kasabay ng maraming pag-unlad sa Tsina ay ang pag-unlad din ng industriya ng telebisyon at entertainment. Sa ngayon, kaliwa't kanan ang mga sikat na programa sa telebisyon sa bansa, kasama na ang paborito nating Voice of China. Bukod pa riyan, napakarami rin ng ibat-ibang talent competition show at reality show. At siyempre, dahil sa napakaraming show na ito sa telebisyon, dumami rin ang mga sikat na presenter o iyong mga tinatawag na TV host... |
Laowai at Crosstalk 2014-07-10 Ang Crosstalk ay kilala rin sa Tsina bilang xiangsheng, at isang uri ng tradisyonal na stand-up comedy. Tulad ng makabagong stand-up comedy, ang mga manonood ay inaaliw ng dalawang taong nasa entablado, sa pamamagitan ng diyalogo o pakikipag-usap sa isat-isa. Pero, minsan, puwede rin itong gawin ng iisang tao o maraming tao. Sa crosstalk, ang mga tagapagtanghal ay gumagamit ng mga pun o mga salitang maaring bigyan ng naiibang pakahulugang nakakatawa... |
Buhay ng estudyanteng laowai 2014-07-03 Mga pengyou, sa kasalukyan, marami ang mga dayuhang naninirahan nagtatrabaho at nag-aaral dito sa Gitnang Kaharian. Ibat-iba ang kanilang kuwento at ibat-iba rin ang kanilang karanasan. Subalit paano nga ba maging estudyante dito sa Tsina? Anu-ano ang mga bentahe nito? Paano ito makakatulong sa inyong kinabukasan? Mga kaibigan, para sa episode natin ngayong linggo, tutunghayan po natin ang kuwento ng isang estudyanteng Ukrainian na sumali sa isang kompetisyong kung tawagin ay "Tulay na Tsino" at kung paano binago ng kompetisyong ang kanyang buhay bilang mag-aaral sa Tsina... |
Tiket papuntang kalawakan 2014-06-26 Kamakailan ay naging mainit na usap-usapan sa media sa buong mundo ang balitang iaalok di-umano ng ilang pribadong kompanyang pangkalawakan sa mga pribadong mamamayang may-kakayahang magbayad ang biyahe papunta sa kalawakan o outer space. Dito sa Tsina, isang online shop ang nag-aalok na nito. Ayon sa online.thatsmags.com, isang kilalang online magazine sa Tsina, nag-aalok na ng biyaheng papunta sa kalawakan ang taobao.com, pinakamalaking online shop sa Tsina... |
Ang Gaokao 2014-06-19 Ang Gaokao ang siya pong katumbas ng National College Entrance Examination (NCEE) ng Pilipinas. Ito po ay isinasagawa sa Tsina, taun-taon at para sa taong ito, isinagawa ito noong nakaraang linggo. Tulad din sa Pilipinas, maraming estudyante mula sa mga mataas na paaralan dito sa Tsina ang puspusang nag-aral at nagsunog ng kilay upang makakuha ng mataas na grado. Ito kasi ang magdedetermina kung anong kurso at saang unibersidad makakapasok sa isang estudyante... |
Pasaporte, ingatan 2014-06-12 Isang lalaking Tsino na dumadalaw sa South Korea ang napabalitang hindi pinayagang makalabas ng bansa dahil sinulatan at ginawang sketch notebook umano ng kanyang apat na taong gulang na anak na lalaki ang kanyang pasaporte. Ayon sa online.thatsmags.com, isang kilalang online magazine sa Tsina, "the boy doodled all over his father's passport photo with a black felt –tip pen, scribbling out his eyes and mouth and adding additional facial hair making him completely unrecognizable." |
Hogwarts ng Tsina 2014-06-05 Mga pengyou, para sa episode sa linggong ito, limang ekstraordinaryong balita muli, na mainit na pinag-usapan at pinag-uusapan dito sa Gitnang Kaharian, na isa ring tawag sa Tsina ang ating bibigyang-atensyon. Marahil karamihan sa atin; kundi man lahat ay napanood na ang isa sa mga serye ng pelikulang "Harry Potter," kung saan itinampok ang buhay ng batang si Harry at kanyang pakikipaglaban sa mahikang itim. Sa kanyang pakikipagsapalaran, marami siyang naging kaibigan, natutunan, at marami ring lugar na napuntahan... |
Sanggol na nahulog mula sa ikalawang palapag, sinalo ng isang lalaki 2014-05-29 Mga pengyou, kagaya ng nasabi natin noong isang linggo, saan mang sulok ng mundo, maraming kaganapan ang nagiging tampok ng usap-usapan ng mga tao, bawat araw. At karamihan sa mga ito ay naisasahimpapawid sa radyo at telebisyon, nailalathala sa mga dyaryo, at nailalagay sa mga social networking site. Dito sa Tsina, kapag may nangyaring kakaiba o kagila-gilalas, siguradong kakalat sa Weibo... |
Mga kakatuwang pangyayari sa Beijing 2014-05-22 Mga pengyou, saan mang sulok ng mundo, maraming kaganapan ang nagiging tampok ng usap-usapan ng mga tao bawat araw. Karamihan ay naisasahimpapawid sa radyo at telebisyon, nailalathala sa mga dyaryo, at nailalagay sa mga social networking site. Ang mga balita at pangyayaring ito ay may ibat-ibang tema, ang ilan ay nakakabagbag ng damdamin, nakakatuwa, nakakainis, etc... |
Stereotype sa mga Tsino 2014-05-15 Mga pengyou, kahit saan mang panig ng mundo, makakarinig ka ng mga stereotype. Kahit kadalasan, mali at hindi nararapat ang mga ito, patuloy pa ring lumalaganap ang mga stereotype sa bawat lahi. Minsan maririnig mo pa nga ito sa mga biro na hindi naman nakakatawa. Tayong mga Pilipino, sa aminin natin o sa hindi, mahilig tayong magbigay ng bansag sa isang bagay, lugar, tao, pangyayari, etc... |
Alam mong ika'y nasa Tsina kapag… 2014-05-08 Bawat lugar sa mundo ay may kanya-kanyang katangian at kultura. Kung ang isang taga-Asya ay magpupunta ng Amerika o Europa, mapapansin niya agad ang kaibahan sa kaugalian ng mga tao, kaibahan sa kanilang pagkain, kaibahan sa uri ng pamumuhay, kaibahan sa pananamit, relihiyon, etc. Makikita rin niya ang mga katangiang likas at matatagpuan lamang sa lokalidad kung nasaan siya. Kung dadako naman tayo sa Pilipinas, Tsina at Asya... |
Saranggola ng Beijing 2014-05-01 Kamakailan ay idinaos po ang ikalawang Beijing International Kite Festival sa Olympic Sports Park, sa Tongzhou District ng Beijing. Sa pagtataguyod ng Beijing People´s Association for Friendship with Foreign Countries (BPAFFC) at Tongzhou Kite-flying Association, maraming kite-flying fans mula sa Tsina, Australia, Ruanda, Malaysia, Poland, Germany, Switzerland, Sweden, India, Singapore, mga mag-aaral mula sa ibat-ibang mababang paaralan ng Beijing... |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |