Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Chun Jie Kuaile 2017-02-08

Ang Pestibal ng Tagsibol o Chun Jie ay ang unang araw sa Kalendaryong Tsino. Kapag papalapit na ang Chun Jie,abala ang mga tao sa pagbili ng mga kagamitan, paglilinis ng bahay, pagluluto ng mga tradisyonal na pagkain, paggawa ng mga couplet, at pagsasabit ng mga dekorasyon. Ang pagsasalu-salo ng buong pamilya sa hapunan ay ang pinaka-importanteng aktibidad sa Pestibal ng Tagsibol o Chun Jie...

Mobike ng Tsina 2017-01-20

Siguradong marami sa inyo ang gumagamit o pamilyar sa Uber, Grab at iba pang e-cab service. Sa mga nakalipas na taon, patuloy na bumibigat ang situwasyon ng trapiko sa atin diyan sa Pilipinas, lalo na kung rush hour, di po ba? Kaya naman, naging importanteng bahagi ng transportasyon nating mga Pinoy ang mga e-cab service na ito. Tulad din sa Pilipinas, marami ring e-cab service na naging popular dito sa Tsina, lalo na sa malalaking lunsod na tulad ng Beijing at Shanghai. Napakaraming Tsino ang gumagamit ng mga ito, lalo na ang mga nag-o-opisina na gaya ng inyong lingkod.

Turismo ng Pilipinas, patok sa Tsina 2017-01-06

"As of September [2016], na-beat na natin iyong last year's arrivals," ito ang ipinahayag, Disyembre 28, 2016 ni Niel Ballesteros, Tourism Attache ng Pilipinas sa Tsina, sa "Year-end Appreciation Dinner" na ginanap sa Hilton Hotel, Beijing.

Sinabi ni Ballesteros na noong 2015, 490,841 ang bilang ng mga Tsinong bumisita sa Pilipinas, pero sa taong 2016, Setyembre pa lamang ay mayroon nang 537,000.

Pasko sa Tsina 2017-01-01

Kumusta po ang pagsalubong natin ng Pasko? Alam po ninyo, ang Pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko, kung saan, ang mga awit Pamasko ay naririnig mula Setyembre hanggang Enero ng susunod na taon.

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino 2016-12-17

Alam po ba ninyo na ang Pilipinas at Tsina ay mayroon nang mahigit isanlibong taong kasaysayan ng pagkakaibigan? In fact, malaki ang posibilidad na ang Tsina ay ang unang bansang nagkaroon ng kaugnayan sa Pilipinas, sa pamamagitan ng trade. Sa madaling salita, posibleng ang Tsina ang unang naging kaibigan ng Pilipinas.

Industriya ng konstruksyon ng Pilipinas, makikinabang sa China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum 2016-12-03

Noong nakaraang linggo, tinalakay po natin ang hinggil sa pagdaraos ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) na idinaos noong Nobyembre 17, 2016 sa Tuole County, Bayan ng Panxian, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina.

Sa kanyang presentasyon sa nasabing pagtitipon, sinabi ni Rhenita Rodriguez, Minister Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing na lubhang napakalaki pa ng espasyo para sa pag-unlad ng relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina.

China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum, idinaos sa malaparaisong bayan ng Panxian 2016-11-25

Idinaos noong Nobyembre 17, 2016 sa Tuole County, Bayan ng Panxian, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina ang China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF).
Sa kanlungan ng nagagandahang burol, dalisay na ilog at kaakit-akit na kalikasang nababalutan ng malamig at kaaya-ayang ulap, dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga opisyal ng Guizhou, opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Beijing, mga diplomata ng iba pang bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), mga mangangalakal na Tsino at ASEAN, at mga media.

Pelikulang "Bamboo Flowers," ipinalabas sa Peking University 2016-11-10

Beijing – Ipinalabas, Nobyembre 7, 2016 sa School of Foreign Languages ng Peking University ang pelikulang Pilipinong pinamagtaang ""Bamboo Flowers."

Sa kanyang pambungad na talumpati, pinasalamatan ni Elizabeth T. Te, Charge d' Affaires (CDA) ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijng, si Wu Jiewei, Direktor ng Institute of Southeast Asian Studies ng Peking University at School of Foreign Languages ng nasabing unibersidad sa kanilang suporta at tulong sa pag-o-organisa ng palabas.

Ginintuang Panahon ng Relasyong Sino-Pilipino, dumating na 2016-11-04

Pagkatapos ng matagumpay na biyahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina, nag-uumpisa na nating makita ang maraming positibong bunga nito sa relasyon ng dalawang bansa.

Kasama na riyan ang recent development na pagtanggal ng Tsina sa travel ban sa Pilipinas. Ito ay inaasahang magpapa-kuwadruple ng bilang mga turistang Tsinong nagpupunta at namamasyal sa Pilipinas...

13 Kasunduang Pangkooperasyon, dala ni Pangulong Duterte mula sa Tsina 2016-10-30

Tulad ng prediksyon ng maraming opisyal na Pilipino at Tsino, matagumpay na matagumpay ang ginawang biyahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina. Ang magkasanib na pahayag ng Pilipinas at Tsina na inilabas noong Oktubre 21, 2016 ay isang matibay na patunay nito.

Ang nasabing magkasanib na pahayag ay nagpapakita ng commitment ng dalawang bansa para ibalik sa tamang landas ang relasyon ng Pilipinas at Tsina na naapektuhan ng isyu sa dagat.

Pangulong Duterte sa Tsina 2016-10-22

Dumating po kamakalawa sa Beijing ang ating mahal na President Mayor Rodrigo Roa Duterte. Sa kanyang pagdating, bitbit niya ang pag-asa at naising pabutihin ang relasyon ng Pilipinas at Tsina. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Nora Terrado, nasa 250 business executive na Pilipino ang kasama ni Pangulong Digong at nakahanda silang makipagnegosyo sa mga counterpart na Tsino.

Golden Week ng Turismo 2016-10-18

Noong nakaraang linggo, ipinagdiwang ng Tsina ang golden week o National Holiday Vacation. Ayon sa Chinawire, e-magazine sa Tsina, 589 million ¬Chinese tourist ang bumiyahe sa Golden Week na ito. Kabilang dito, 6 na milyong Chinese tourist ang lumabas ng Tsina para mamasyal sa ibang bansa.

Kasama po ang inyong lingkod na nagbakasyon sa panahong ito, at personal nating nakita kung gaano karami ang mga Chinese tourist na nagpunta sa Pilipinas.

Usapang Telepono 2016-09-29

Kamakailan, napabalita ang isa sa mga smartphone na gawa ng kompanyang ito. Bakit? Kasi, naisalba ng isang Huawei phone ang buhay ng may-ari nito.

Ayon sa emagazine na GuideinChina, nailigtas ng isang Huawei P8 Lite smart phone ang buhay ng may-ari nitong si Siraaj Abraham (41 taong gulang) nang barilin siya sa dibdib ng masasamang loob sa labas lamang ng kanyang bahay sa Cape Town, South Africa.

Sa gitna ng komosyon, binaril ng isang lalaki ang businessman na si Siraaj Abraham mula sa layong dalawang metro.

Mga Expat sa Hangzhou 2016-09-22

Noong nakaraang episode ay pinag-usapan natin ang tungkol sa lunsod ng Hangzhou kung saan ginanap ang kakatapos lamang na G20 Summit, na nilahukan ng mga lider ng mga kasaping bansa ng G20, mga bansang panauhin, at mga namamahalang tauhan ng mga may kinalamang organisasyong pandaigdig.

Ayon sa online magazine na GuideinChina, ang Hangzhou ang most-Googled destination sa buong Tsina, at ito ay tumanggap ng mahigit 3 milyong bisita noong nakaraang taon.

Pestibal ng Bilog na Buwan 2016-09-14

Ayon sa Chinese Calendar, ang Mooncake Festival ay ginaganap sa Ika-15 araw ng Ika-8 buwan ng taon; ibig sabihin, ito'y nasa pagitan ng Setyembre o Oktubre.

Hindi lang sa Tsina at Pilipinas ipinagdiriwang ang araw na ito. Ang Mooncake Festival ay ginaganap din sa maraming bansa sa Asya, tulad ng Japan, South Korea, Singapore, Malaysia, Thailand, Vietnam, at marami pang iba.

Pero, bakit nga ba ito ipinagdiriwang? Saan ito nagmula? At ano ang kahalagahan nito para sa mga tao? Bago natin sagutin ang mga tanong na iyan, narito muna ang isang magandang himig Tsino.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>