Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Ang pambihirang kuwento ni Dominic Johnson-Hill 2014-12-11

Mga kaibigan, kapag nanonood tayo ng mga teleserye sa TV, madalas nating nakikita ang mga pambihira at kagila-gilalas na kuwento: mga kuwento ng saya at tagumpay na parang malayong mangyari sa tunay na buhay. Pero, sa maniwala man kayo o hindi, dito sa Beijing, may nadiskubre po akong isang "laowai," o dayuhang naninirahan at nagtatrabaho rito, na may ekstraordinaryo at pambihirang kuwento. Tungkol po saan ang kanyang kuwento? Tungkol po ito sa pambihinrang kuwento ng kanyang buhay sa Tsina, at paano niya itinayo, mula sa wala ang kompanya ng t-shirt na kung tawagin ay "Plastered 8."

Musika mula sa Berlin 2014-12-05

Sa episode ngayong gabi ng DLYST, dalawang kuwento ang aming ihahatid sa inyo. Ang una ay kuwentong tungkol sa pagbibigay ng pagmamahal sa kapuwa, o pagpapalaganap ng goodwill. Kamakailan ay dumalaw po kasi sa Beijing ang Berlin Philharmonic Orchestra. Sila po ay hinirang ng United Nations Children's Fund (UNICEF) bilang Ambassadors of Goodwill; at sa pamamagitan ng kanilang musika, pinasaya nila, kahit sa kaunting sandali ang anak ng mga migrante sa Beijing...

Kauna-unahang "gift app" ng Tsina 2014-11-27

Mga pengyou, naniniwala ba kayo na mayroong taong kayang magsabi ng hinaharap? Ang iba sa atin, siguro naniniwala, at ang iba naman ay hindi, ano po? Sa personal kong opinyon, ang tanging taong makapagsasabi ng inyong hinaharap, ay kayo mismo. Ang lahat ng ginagawa natin sa kasalukuyan ang siyang magiging pundasyon ng ating kinabukasan. Halimbawa, kung ikaw ay estudyante, at ikaw ay masipag mag-aral, ito ay magagamit mo sa pagbuo ng magandang karera sa hinaharap, gaano man kahirap ang buhay o situwasyon sa ating bansa sa ngayon. Kung ikaw naman ay masipag at maabilidad sa trabaho o negosyo, mahalaga ito sa pag-unlad ng iyong karera o negosyo sa hinaharap...

Heyrobics at paghahanap ng kaligayahan 2014-11-20

Mga pengyou, para sa episode ngayong gabi ng DLYST, mapapakinggan natin ang dalawang kuwento: ang una ay kuwento ng isang ehersisyong nagmula pa sa Sweden, na mabisang-mabisa sa pagpapadagdag ng ganda at pogi points. Ang pangalawa naman ay tungkol sa paghahanap ng "happiness" o kaligayahan ng isang laowai dito sa Tsina...

Ang aking buhay sa htong 2014-11-01

Mga pengyou, ang setting po ng ating kuwento ngayong gabi ay lugar sa Beijing na kung tawagin ay "Hutong." Ano ang "Htuong?" Ang mga "Hutong" ay ang tradisyonal na tirahan ng mga taga-Beijing. Ito ay mga dikit-dikit na sambahayan na may komon na courtyard. Kung mayroon tayong mga barangay sa Pilipinas, mayroon naman silang "Hutong" dito sa Beijing. Sa mata ng mga taga-Beijing, ang "Hutong" ay nangangahulugang partikular na panahon sa kasaysayan, uri ng pamumuhay, at maging "encyclopedia ng Beijing."

Putbol sa Tsina 2014-10-23

Ang larong Football o Soccer ay isa ngayon sa mga pinakakilalang laro sa buong mundo. Bagamat, hindi pa ito masyadong kilala sa Pilipinas, nagsisimula na rin itong umangat; salamat sa pagpupunyagi ng ating koponang Azkals. Sa katatapos lamang na World Cup sa Brazil, muling napatunayan ang kasikatan ng larong ito sa buong mundo...

Ang tsaa 2014-10-16

 

Ang kultura ng pag-inom ng tsaa sa Tsina ay may libong taon nang kasaysayan. Makikita ito sa mga aklat, kasulatan, tula, at awit mula sa mga sinaunang iskolar ng Tsina. Magpahanggang ngayon, napakarami pa ring mga Tsino ang regular na umiinom ng tsaa. May 5 uri ng tsaa sa Tsina: Green tea – Longjin, Wulong, Scented tea - Jasmine tea, Black tea, at Compressed tea...

Chinese Dream ng Isang Laowai 2014-10-09

Mga pengyou, para sa ating episode ngayong gabi, isang espesyal na kuwento ang ihahatid namin sa inyo. Mula sa media ng Tsina at media mula ng ibat-ibang bansa, madalas nating marinig ang salitang "Chinese Dream." Ito ay ideyang lumaganap mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at malawakan ngayong tinatanggap dito sa bansa. Ito ay ang equivalent ng American Dream, pero, sa halip na sariling pagsisikap upang makamtan ang sariling pangarap, ang "Chinese Dream"...

Siopao Trak at Salsa Royalty ng Beijing 2014-10-03

Ang Siopao o Baozi sa Mandarin o wikang Tsino ay isang pagkaing matagal nang bahagi ng ating pamumuhay. Ito ay nagmula sa probinsyang Fujian ng Tsina, at ang pangalang "siopai" ay base sa diyalektong Hokien. Dinala ito sa Pilipinas ng mga unang Tsino na nandayuhan sa ating bansa, na ngayon ay integral na bahagi na ng ating lipunan. Pagdaan ng daan-daang taon, nakagawian na nating mga Pinoy ang pagkain...

Kuwento ni Bantay 2014-09-26

Ang aso, ay walang dudang "man's best friend." Napakaraming kontribusyon at pakinabang sa atin ng mga aso: nagagamit sila ng mga pulis at militar sa kanilang mga operasyon, nagagamit sila bilang guide ng mga bulag, nagagamit sila bilang bantay at bodyguard, nagagamit sila bilang pastol ng mga baka at tupa, at siyempre, marami sa atin ang mahilig mag-alaga ng aso at itinuturing sila bilang miyembro ng ating pamilya...

Love story at tinapay 2014-09-19

Ang bagel ay isang uri ng tinapay na hugis donat at mukhang donat, pero, kakaiba ng kaunti ang lasa. Ito ay karaniwang sinlaki ng kamao at niluluto sa pamamagitan ng pagpapakulo at pagkatapos ay ibine-bake. Ang resulta, isang medyo malutong, katakam-takam at kanguya-nguyang tinapay. Kadalasan, ang mga bagel ay binubudburan ng sesame seed, asin, at iba pang uri ng pampalasa, ayon sa kagustuhan ng panadero. Ito ay para mas lalong ma-enhance ang lasa ng tinapay...

Basketbol 2014-09-11

Kakatapos pa lamang po ng kampanya ng Gilas, koponan ng Pilipinas sa International Basketball Federation, o mas kilala sa tawag na FIBA o FIBA World. Siguro nagtataka kayo kung bakit FIBA ang initials, pero ang ibig sabihin ay International Basketball Federation: dapat ang initials ay IBF, hindi po ba? Ang initials na FIBA ay nagmula po kasi sa orihinal na pangalan nito sa wikang Pranses na Fédération Internationale de Basket-ball, kaya FIBA ang ginawang initials...

Eskultor ng Fu Zi Miao 2014-08-28

Ang Eskultura ay isang sangay ng visual art. Ayon sa depinisyon, ang Eskultura is "the art of carving, modeling, welding, or otherwise producing figurative or abstract works of art in three dimensions." Maraming uri ng materyal ang maaring gamitin sa pag-ukit at pagmolde, nandiyan ang bato, tanso, salamin, pilak, kahoy, at marami pang iba. Sa ibat-ibang bansa sa mundo, partikular sa Ehipto, Latin Amerika, Britanya, Hapon, at Tsina...

Bagong Simula 2014-08-19

Mga pengyou, para sa episode ngayong gabi ng DLYST, isa na namang nakakamanghang kuwento ang aming ihahatid sa inyo. Si Juliette Zelime ay isang artist na mula sa bansang Seychelles. Nagtungo siya sa Tsina noong 2006 at tinapos ang kanyang kursong Fine Arts sa Central Academy of Fine Arts ng Beijing. Kapag may libreng oras, mahilig siyang magbiyahe at maglarao ng basketbol. Sa ngayon, balik-eskuwela si Juliette para naman sa kanyang master's degree...

Kuwento ng isang mamamahayag 2014-08-14

Mga pengyou, aminin man natin o hindi, tayong mga Pinoy ay mahilig manood ng TV, makinig ng radyo, magbasa ng diyaryo, at manood ng mga video sa internet. Karamihan sa atin, nakagawian na rin ang pakikinig at panonood ng balita. Tuwing magbubukas tayo ng telebisyon at radyo; magbabasa ng peryodiko, at magsa-surf sa internet, madalas nating makita at marinig ang mga sikat na brodkaster...

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>