|
||||||||
|
||
Mga beteranong mediaman ng Pilipinas, nagbigay ng personal na pananaw hinggil sa Tsina 2019-02-28
Ang pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong 2016 ay ang naging mitsa ng pagbalik sa tamang landas ng relasyon ng Tsina at Pilipinas. Dahil sa nasabing pagbisita, maraming pakinabang ang ngayon ay tinatamasa at nakakamtan ng dalawang bansa, lalo na sa mga larangan ng pamumuhunan, turismo, paglaban sa terorismo, paglaban sa korupsyon, pagtutulungang sa dagat, imprastruktura, pagnenegosyo at marami pang iba. |
Yuan Xiao Jie: Pestibal ng makukulay na parol 2019-02-21 Ipinagdiwang sa Tsina noong Pebrero 19 ang Yuan Xiao Jie, o Pestibal ng Parol, at sa episode na ito ng DLYST, ikukuwento po namin sa inyo ang makulay at mayamang tradisyong ito, na nagmula pa sa sinaunang Tsina. |
Chun Jie Kuai Le Part III 2019-02-13 Chun Jie Kuai Le! |
Chun Jie Kuai Le Ikalawang Bahagi 2019-01-31
"Chunjie kuaile," "maligayang bagong taon ng baboy sa inyong lahat." Sa Tsina, ang selebrasyon para sa Spring Festival o Chunjie ay tumatagal ng dalawang lingo, dahil ito ang pinakamahalagang selebrasyon para sa Nasyong Tsino. Sa panahong ito, maraming masasarap na pagkain ang inihahanda at karamihan sa mga ito ay ang mga "pagkaing pampabuwenas." Ang pagkain ay mahalaga hindi lamang sa New Year's Eve, kundi maging sa mga sumusunod na araw ng kapistahang ito. |
Chun Jie Kuaile (Unang Bahagi) 2019-01-29
Mga kaibigan, sa Pebrero 4, 2019 ay ipagrdiriwang ang Chinese New Year, o Chun Jie sa wikang Tsino. Sigurado akong nasa festive mode na ang ating mga kababayang Tsinoy, lalo na diyan sa lugar ng Ongpin at Sta Cruz. Siyempre, hindi mawawala ang mga lion dance at pagkain ng tikoy, pansit, mga kakanin at marami pang iba. |
Social media campaign na "The Global Filipino," inilunsad sa Tsina 2019-01-17
Bilang pagkilala sa Buwan ng mga Overseas Filipinos; inilunsad kamakailan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (DFA) ang kampanyang tinaguriang "The Global Filipino." Ayon sa opisyal na dokumentong mula sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang nasabing kampanya ay alinsunod sa bisa ng Proklamasyon Bilang 276, Serye 1988, at pag-endorso ng United Nations General Assembly (UNGA) sa Global Compact on Safe, Orderly, and Regular Migration noong Disyembre 19, 2018. |
Ika-122 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Dr. Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing 2019-01-10 Beijing --- Sa pangunguna ni Ministro at Konsul Heneral Ivan Frank M. Olea, idinaos ngayong araw sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang paggunita sa Ika-122 anibersaryo ng pagkamartir ni Dr. Jose Rizal. |
Kultura sa Guangxi 2019-01-04
Sa episode na ito ng DLYST, ilalahad namin sa inyo ang tungkol sa Lahing Zhuang ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina. Kamakailan ay ipinagdiwang ng Guangxi ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag nito, kaya, para sa ilang susunod na episode ng DLYST, ihahatid namin sa inyo ang ilang bagay-bagay, katakam-takam at nakakatuwang mga impormasyon tungkol sa kahanga-hanga at kabigha-bighaning lugar na ito. |
Paglalakbay sa Guangxi 2019-01-03
Kung kayo ay dadalaw sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, siguradong makikita ninyo ang maraming kabigha-bighaning mga tanawin na talaga namang magpapa-wow at pupukaw ng inyong damdamin. Ang rehiyong ito ay maituturing na tagpuan ng kultura ng Timogsilangang Asya at Tsina, kaya naman napakamakulay ng kagawian, pananamit, sayaw at siyempre, pagkain dito. |
Kabigha-bighaning Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi Unang Kabanata (Pagkain ng Guangxi) 2018-12-14 Kung ikaw ay papasyal sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, siguradong mabubusog ka sa maraming uri ng pagkain at meryenda. Ang lugar na ito ay maituturing na tagpuan ng kultura ng Timogsilangang Asya at Tsina, kaya naman napakamakulay ng kagawian, pananamit, sayaw at siyempre, pagkain dito. |
51 Talk, kompanyang Tsinong may halos 17,000 Pinoy na empleyado 2018-12-06
Noong nakaraang episode ay napag-usapan natin ang tungkol sa 51 Talk, ang kompanyang Tsinong nakabase sa Beijing na nag-e-empleyo ng halos 17,000 Pinoy. Napakinggan din po ninyo ang aking panayam kay Jiajia Huang, ang Founder at CEO ng nasabing kompanya, pero, dahil kinapos tayo sa oras, naudlot ang ating pakikipagbalitaktakan sa kanya. |
51 Talk, kompanyang Tsinong may halos 17,000 Pinoy na empleyado 2018-11-29
Katatapos lang ng makasaysayang pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas, at dahil dito, 29 na landmark na kasunduang pangkooperasyon ang nalagdaan. Dahil din sa naturang pagbisita, naitaas ang relasyong Sino-Pilipino sa "Komprehensibong Estratehikong Partnership." Ang ibig pong sabihin niyan, pumasok na ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa lebel, kung saan ang lahat ng mga kasunduan at detalye ng mga ito ay titimbangin, nakabase at nakapokus sa positibong resulta para sa kapuwa panig. |
TNK Seminar, idinaos ng DTI sa Shanghai 2018-11-19
Kasabay ng pagbubukas ng China International Import Expo (CIIE), pinakamalaking ekspo ng Tsina, idinaos din Nobyembre 5, 2018 ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Seminar. Layon nitong i-enkorahe ang mga Pilipinong nagtatrabaho at namumuhay sa Shanghai at mga malapit na lugar na pumasok sa larangan ng negosyo at bigyan ng tamang akses sa impormasyon, network sa mga supplier, at iba pang pangangailangan ang mga Overseas Filipino Investor (OFI) upang tulungan silang magtagumpay sa kanilang negosyo. |
Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK), idaraos ng DTI sa sidelines ng CIIE 2018-11-02 Gaganapin sa Nobyembre 5 hanggang 10, 2018, sa Shanghai, Tsina ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE). Ito ay isang importanteng aktibidad na naglalayong palakasin ang ugnayang pang-negosyo sa pagitan ng Tsina at maraming bansa sa buong mundo. Dadalo rito ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng maraming negosyanteng Pinoy at economic managers ng pamahalaang Pilipino sa pangunguna ni Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI). |
Mag-asawang Pinoy sa industriya ng martial arts 2018-10-24
Kamakailan ay nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makapanayam sina Von at Yonina Ng sa kanilang tahanan sa Beijing. Sila po ay mag-asawang Pinoy na nakapagtayo ng negosyo rito mismo sa Beijing, ang kabisera ng Tsina. Alam po ninyo kapag sinabing negosyo, malamang ang pumapasok agad sa isip natin ay import/export, manufacturing, retailing at marami pang katulad na hanapbuhay sa linyang ito. Pero, nasa ibang larangan ang negosyong itinayo nina Von at Yonina, dahil ito ay nasa linya ng kalusugan, fitness at martial arts. Sila ay nagtayo ng dalawang paaralan o training center ng Krav Maga dito sa kabisera ng Tsina. |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |