Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Pestibal ng Gitnang Taglagas 2018-09-24

Sa ika-24 ng buwang ito ay ipagdiriwang ng buong mundo ang Pestibal ng Gitnang Taglagas/Mid-autumn Festibal/Mooncake Festival o Zhong Qiu Jie sa Wikang Tsino, kaya, ang naririnig ninyong awitin ay tungkol Zhong Qiu Jie at sa alamat nito. Sana ay dalawin tayo ng suwerte at maging maliwanag, na tulad ng sinag ng bilog na buwan ang kinabukasan para sa lahat ng Pilipino at Tsino sa buong mundo.

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing 2018-07-19

Idinaos noong nakaraang Lunes, Hulyo 9, 2018 sa Hilton Hotel, Beijing ang pagbubukas ng "Flavours of the Philippines" food festival.

Sa pagtataguyod ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, at sa pakikipagtulungan ng Conrad Manila at Hilton Hotel-Beijing, dalawang Pinoy chef ang nagtungo sa lunsod upang ihanda ang mga putaheng Pilipino para sa mga kaibigang Tsino.

Inihanda nina Rodelio Dela Cruz at Michael Vincent Tapiador ang mga putaheng tulad ng Adobo, Sinigang, Pinakbet, Laing, Lechon, at marami pang iba upang maipakilala sa mga kaibigang Tsino kung ano ang kultura ng pagkain ng Pilipinas.

2018 Tuole Forum, Pilipnas, dadalo 2018-07-12

Noong Nobyembre 17, 2016, nagkaroon po ng pagkakataon ang inyong lingkod na makadalo sa kauna-unahang China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) o mas kilala sa tawag na Tuole Forum.

Ito ay idinaos sa Tuole County, Bayan ng Panzhou, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina.

Relasyong Pilipino-Sino, patuloy na lumalakas 2018-06-20

Idinaos ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing noong Hunyo 12, ang isang pagtitipon bilang pagdiriwang sa Ika-120 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Embahador Jose Santiago Sta. Romana na, patuloy na isusulong ng Pilipinas ang patakarang "Ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat, kaaway ng walang sinuman."

Aniya pa, ang mapagkaibigan atityud at pakikipagtulungan sa Tsina ay mahalagang bahagi ng indipendiyenteng patakarang panlabas ng Pilipinas.

Pananaw ng ilang mamamahayag na Pinoy sa Tsina 2018-06-13

Noong nakaraang episode ay na-i-feature natin ang mga pananaw ni Juliet Carangian, Producer at News Presenter ng People's Television (PTV), matapos niyang lumahok sa isang 2-week seminar sa Tsina. Sa nasabing seminar, lumahok ang 22 kinatawan mula sa pamahalaan at pribadong media ng Pilipinas at ito'y itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina.

Mamamahayag na Pinoy, hanga sa media ng Tsina 2018-06-08

Kamakailan ay nagtungo po sa Tsina ang 22 kinatawan mula sa pamahalaan at pribadong media ng Pilipinas upang lumahok sa isang seminar na itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina.

Sa kanilang pagbisita sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, nagkaroon ng isang presentasyon hinggil sa paggamit ng new media bilang plataporma ng ibat-ibang programa upang mas episyenteng maabot ang mga tagapakinig.

Ted Esguerra at John Manginsay ng Balangay Expedition Team ng Pilipinas 2018-05-30
Noong mga nakaraang episode ay na-i-feature natin sa programang ito ang pagdalaw ng Balangay Expedition Team ng Pilipinas sa Tsina upang gunitain ang ika-601 taong pagdalaw ni Sultan Paduka Batara ng Sulu sa Tsina noong panahon ng Dinastiyang Ming (1368 hanggang 1644).

Ang pagbisita ni Sultan Paduka Batara sa kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming ay isang matatag na pundasyon at ebidensya kung gaano katibay, at di-nagmamaliw ang pagpapalitan ng mga mamamayang Pilipno at Tsino.

Malaki ang papel na ginampanan ng Balangay sa pagkakabuo ng relasyong Pilipino-Sino, dahil ito ang unang paraan ng mga Pilipino upang maglayag sa dagat.

Hi ASEAN dokyu, inilunsad sa Beijing 2018-05-24

Sa mga susunod na buwan ay mapapanood na sa Tsina ang dokyu na pinamagatang "Hi ASEAN," at sa pamamagitan nito, maipapakita at maipagmamalaki ng Pilipinas sa mga kaibigang Tsino ang magagandang tanawin ng bansa na gaya ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue, kaakit-akit na mga dalampasigan at ilog, walang kaparis na ospitalidad ng mga Pilipino at marami pang iba.

Pagtutulungan sa palakasan, pasusulungin ng Pilipinas at Tsina: Arnis, ipinakilala sa mga mag-aaral na Tsino 2018-05-09

Sa "Sports Forum for Ambassadors to China from Belt and Road Countries," sa Capital University of Physical Education and Sports (CUPES), na idinaos kamakailan sa Beijing, ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na mayroong Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Tsina hinggil sa kooperasyong pampalakasan, na nag-e-enkorahe sa mga organisasyong pampalakasan ng dalawang bansa na pahigpitin ang kanilang kooperasyon sa internasyonal na usaping pampalakasan, pagsali ng mga atleta ng dalawang panig sa mga internasyonal na kompetisyong idinaraos sa Pilipinas at Tsina, at palakasin ang pagpapalitan sa pagitan ng mga espesyalista sa palakasan ng dalawang bansa.

Tourism Product Presentation at Business Matching, idinaos sa Beijing 2018-05-03

Idinaos kamakailan Beijing ang Philippine Tourism Product Presentation at Business Matching, at dumalo po rito ang ibat-ibang stakeholder at personahe sa sirkulo ng turismo ng kapuwa Pilipinas at Tsina.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na ang Tsina ang ika-2 pinakamalaking pinanggagalingan ng turista ng Pilipinas, at noong nakaraang taon, naging kapansin-pansin ang paglaki ng bilang ng mga turistang Tsino na pumasyal sa Pilipinas.

Bentahe ng Pilipinas sa Negosyo, ipinagmalaki sa Beijing 2018-04-26

Idinaos kamakailan sa Beijing ang Seminar on China-Philippines Production Capacity and Investment Cooperation, sa Changfugong Hotel, at dito, ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina ang pasasalamat sa Tsina sa pagpupunyagi nito upang ma-enkorahe ang mga kompanyang Tsino na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

BFA, ano ba ito? 2018-04-13

Idinaos kamakailan sa Bo'ao, Probinsyang Hainan, Tsina ang taunang 2018 Bo'ao Forum for Asia, sa ilalim ng temang "Bukas at Inobatibong Asya para sa Ibayo Pang Kasaganaan ng Daigdig." Dumalo at nagtalumpati rito si Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan, inilahad niya ang mga hakbang ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng bansa at pamumuhay ng mga mamamayan, at bentaheng pangnegosyo. Ipinahayag din ni Duterte na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa anumang bansa upang pasulungin ang pagkakaibigan at pag-unlad ng rehiyon at byong mundo.

Xiong'an New Area 2018-04-04

 Ang Abril 1, 2018 ay unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Xiong'an New Area sa probinsyang Hebei ng Tsina. Alinsunod sa kahilingang iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, noong isang taon, natamo nito ang kapansin-pansing progreso sa mga aspektong gaya ng malalaking proyekto, pamumuhay ng mga mamamayan, at paghahanap-buhay.

Noong nakaraang taon, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong'an New Area. Saklaw nito ang tatlong bayang kinabibilangan ng Xiong, Rongcheng, Anxin, at bahaging rehiyong nakapaligid dito. Ito ay nasa sentro ng Beijing, Tianjin, at Baoding.

Mga lider Tsinong hindi miyembro ng CPC 2018-03-23

Kapag sinabing gobyerno ng Tsina, marami ang nagsasabi na ito ay pinamamahalaan ng iisang partido lamang, ang Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Totoo na ang CPC ang naghaharing partido sa Tsina, at tulad sa atin sa Pilipinas, ang PDP-Laban ang naghaharing partido, pero, hindi totoo na iisa lamang ang pulitikal na partido sa Tsina, at lalung hindi rin totoo na ang CPC lamang ang tanging kumokontrol at namamahala sa bansa.

Pulitika ng Karapatang Pantao 2018-03-15

Isang mainit na isyu ngayon ang pagsasabi kamakailan ng United Nations High Commissioner for Human Rights na kailangan umanong magpatingin sa utak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang mga ginagawang, di-umano ay paglabag sa karapatang pantao: ang tanong, lumalabag nga ba sa karapatang pantao si Pangulong Duterte?

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>