|
||||||||
|
||
Hanep na bookstore 2015-04-16 Mga kaibigan, kelan kayo huling nagpunta sa library o bookstore? Ako, matagal na panahon na ang nakaraan. Alam po ba ninyo kung bakit? Dahil po sa information age. Sa panahon ngayon, madali nang ma-access ang lahat ng impormasyon na kailangan ninyo sa pamamagitan ng pagpindot sa buton ng inyong kompyuter, o di kaya ay touch pad ng inyong mga smart phone. |
Musika at sayaw na may damdamin 2015-04-02 Mga kaibigan, tungkol po sa musika ang ating programa ngayong linggo, at dalawa na namang laowai na may kakaibang kuwento ang ating tutunghayan. Si Rossana Estrada ay isang 20 taong dalaga mula sa Bogotá, Colombia. Nagpunta siya rito sa China noong siya ay 16 na taong gulang. Makaraan ang 4 na taon, marami na siyang natutuhan tungkol sa paraan ng pamumuhay sa bansa. Si Rossana ngayon ay isang guro ng Latin dance, at isa ring performer. |
Wine ng Timog Aprika 2015-03-26 Ang pag-inom ng "baijiu," o Chinese White Wine ay isang matandang kaugalian at paraan ng pakikisama sa Tsina. Saan mang dako ng bansa, makikita ang mga Tsino na umiinom nito kapag may espesyal na okasyon at anumang uri ng pagdiriwang: kung minsan pang-hagod ng pagod pagkatapos ng trabaho maghapon. |
Kuwentong pagkain 2015-03-19 Mga pengyou, sa ating programa ngayong gabi, 2 interesanteng kuwentong Tsina ang atin na namang ibabahagi sa inyo. Ang una ay tungkol kay Michael, mula sa bansang Zimbabwe. Siya 4 na taon nang nasa Beijing, at siya ay nag-aaral ng Mandarin sa Beijing Institute of Technology. Bukod sa wikang Tsino, si Michael ay nag-aaral din kung paano magluto ng authentic Chinese food. |
ARNIS: Tulay ng Pagkakaibigan 2015-03-12 Mga kababayan, sa tulong po ng butihing Embahador ng Pilipinas sa Tsina na si Erlinda F. Basilio; Consul General Rhen Rodriguez; mga kapatid sa Arnis na sina Frank Olea (Balintawak); Jun Occidental (Kombatan); Lin Chi; Hu Jin; Sabrina Sicking; Tian Shu; Vincent Soberano; at marami pang iba, matagumpay po nating naidaos noong Sabado, Marso 7, sa Embahada ng Pilipinas ang kauna-unahang Arnis Seminar/Demonstration sa Beijing at Mainland Tsina... |
Tata Galindez: Pinoy Fitness Guru 2015-03-04 Mga kaibigan, kakatapos lang po ng Spring Festival Break at mahabang bakasyon dito sa Tsina. Alam po ninyo, ang Spring Festival po kasi ang pinakamahalagang pagdiriwang para sa mga Tsino, at ito ang katumbas ng ating Pasko't Bagong Taon. May isang linggong bakasyon ang lahat ng mamamayan sa tuwing darating ang panahong ito. At tulad din ng Pasko't Bagong Taon sa atin sa Pilipinas, nandiyan ang sangkatutak na party, kainan, at syempre, inuman. |
Spring Festival sa Tsina 2015-02-12 Ngayon po ay ipinagdiriwang ng Tsina ang Spring Festival o Chinese New Year. Kaya, bago tayo magsimula, Chun Jie Kuai Le! Maligayang Spring Festival po! Ang Spring Festival po ang pinaka-importanteng pagdiriwang sa buhay ng mga Tsino at katumbas ng Pasko't Bagong Taon natin sa Pilipinas... |
Sombrero ko, sikat to 2015-02-06 Magmula noong unang panahon, ang mga sombrero ay naging bahagi na ng ating buhay. Ginagamit natin ang mga ito bilang pananggalang sa init ng araw at lamig ng panahon, at ang iba naman pamporma. Sa panahon ngayon, madalas nating makita ang mga sombrero sa mga pelikula, fashion show, at kung saan-saan porpamahan at aktibidad. |
Vince Soberano: Ang aking karera sa Tsina 2015-01-29 Mga kaibigan, kapag sinabing Martial Fitness Training (MFT), Muay Thai at Mixed Martial Art sa Tsina, isa po sa mga pinaka-kilalang personahe ay si Vince Soberano. Si Vince ay tubong Iloilo, at sa maniwala po kayo o hindi, ang unang martial art na kanyang pinag-aralan ay walang iba kundi Arnis... |
Tahanan para kay Itoy at Neneng 2015-01-22 Sa tuwing magagawi ako sa may Recto, Quaipo, Sta. Cruz, Espana, Sta. Mesa, at kung saan-saan pa, madalas akong nakakakita ng mga batang namamalimos sa kalye, mga batang pinabayaan ng mga magulang, inabandona, o sadyang, dahil sa kahirapan, hindi na maaruga ng mga magulang. Sa tuwing nakikita ko ang mga eksenang ito, naiisip ko tuloy ang sinabi ni Gat Jose Rizal: ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sa panahong ito, kung ang mga batang nakikita ko ang magiging bahagi ng pag-asa ng bayan, anong pag-asa magkakaroon ang bayan natin? Anong kinabukasan ang naghihintay sa lahing Pilipino? Hindi po tayo pesimistiko... |
Aprikano sa Tsina 2015-01-15 Mga kaibigan, nakarinig na ba kayo ng musika mula sa Africa? Dito sa Tsina, dahil sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at lipunan, patuloy ding dumarami ang mga nandarayuhan, kasama na ang mga taga-Africa. Tulad nating mga Pilipino, mahilig sa musika ang mga Aprikano. Kaya naman, nagsisimula nang makilala ang musikang may estilong Aprikano rito sa Beijing. Ang musikang Aprikano... |
Capoeira: Ehersisyong Pambagong Taon 2015-01-08 Kumusta po ang kainan noong nakaraang selebrasyon ng Pasko't Bagong Taon? Huhulaan ko, medyo napalakas ang kain n'yo ano? Syempre naman, kaliwa't kanan ang party at kung minsan, di rin maiwasan ang mapainom dahil matagal hindi nagkita ang tropa. Eh, mayroon na ba kayong napiling pan-detox para magpagpag ng timbang? |
Paghahanap ng Pag-ibig sa Tsina 2015-01-04 Alam po ninyo, dito sa Tsina, dumarami ang mga kabataang hirap sa makahanap ng BF at GF. Bakit ka n'yo? Isa sa mga dahilan ay ang pagiging bugtong na anak. Dahil ang mga kabataang Tsino ay kadalasang nag-iisang anak at hindi sana'y makisalamuha at makipag-usap sa mga miyembro ng opposite sex, kakaunti ang pagkakataon na mahanap nila ang tamang partner, o iyong tinatawag na Mr. at Ms. Right. Isa pa pong dahilan ay ang masyadong pagbibigay importansya sa mga pisikal na pagmamay-ari ng tao. Ano po ang ibig sabihin niyan? |
Kuwento ni Rhio: Isang Kuwentong Pamasko 2014-12-24 Mga kababayan, kumusta po ang Noche Buena kanina? Sana kahit papaano ay naging masagana ang ating hapag-kainin, at sana ay nabusog tayo. Dito po sa Beijing, nagkaroon din kami ng kaunting salu-salo, kasama ang aking pamilya at iba pang malalapit na kaibigan. Matagal-tagal na rin po ako rito sa Tsina, at marami-rami na rin akong Paskong ipinagdiwang na malayo sa aking mga magulang. Bagamat, mayroon na rin akong sariling pamilya rito sa Tsina, kung minsan ay hinahanap pa rin natin ang Pasko sa Pinas... |
Pagiging Superstar 2014-12-18 Marami po sa ating mga kababayang Pinoy na naririto sa Tsina ang may pangarap na magtagumpay sa kanilang piniling karera, tulad po ng inyong lingkod. Ang ibang mga Pinoy naman ay naging matagumpay na, tulad nina Cable News Network (CNN) Beijing Bureau Chief Jimi FlorCruz, National Broadcasting Corporation (NBC) Beijing Bureau Chief Eric Baculinao, at marami pang iba. Maliban sa mga Pinoy, marami ring ibang dayuhan, na kung tawagin ay mga "laowai," ang nangangarap na sumikat sa pamamagitan ng kanilang ibat-ibang talento. Isa na po riyan, si Chelsea... |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |