|
||||||||
|
||
Jobless growth, paksa sa Tapatan sa Aristocrat
SA likod ng mga balitang maganda ang takbo ng ekonomiya ng Piipinas, kasabay pa rin ang balitang hindi umangat ang bilang ng nagkaroon ng trabaho. Ayon sa mga nagsusuri, ito ang isang malaking hamon sa pamahalaang pinamumunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Ito ang paksa sa darating na Tapatan sa Aristocrat sa Lunes, ika-walong araw ng Setyembre. Makakasama sa talakayan sina Dr. Gilbert Llanto, pangulo ng Philippine Institute for Development Studies, Dr. Aniceto Orbeta, Jr., isang senior research fellow ng PIDS, Dr. Jose Ramon Albert, dating Secretary General ng National Statistical Coordination Board.
Nakatakdang magbahagi ng datos si Dr. Teodoro Herbosa ng Department of Health tungkol sa mga nagtapos ng Nursing, at kung ano ang kanilang magiging kinabukasan.
Upang maglatag ng kanilang pagsusuri sa mga nagaganap sa bansa, dadalo sina Sonny Africa ng IBON at Julius Cainglet ng Federation of Free Workers. Para sa paghahambing ng Pilipinas sa mga kalapit bansa, panauhin ang program officer ng International Labor Organization na si Ma. Lourdes Macapanpan.
Sa panig ng mga may bahay-kalakal, panauhin din si Lucy Tarriela, ang Asst. Treasurer ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |