|
||||||||
|
||
Lumabas na balita, pinabulaanan
NILIWANAG ni Dr. Gilbert Llanto, pangulo ng Philippine Institute for Development Studies ang mga balitang lumabas ayon sa 2013 Annual Audit Report ng Commission on Audit na naging basehan ng mga balitang lumabas sa mga pahayagan at sa websites.
Hindi umano nakarating sa PIDS ang buong halagang P 660 milyon sapagkat nagkaroon ng dalawang fund releases mula sa halagang P 560 milyon, may P 504 milyon ang nakarating sa Commission on Higher Education at P 56 milyon ang napunta sa PIDS para sa policy research noong ika-20 ng Hunyo 2012.
Naglabas din ang pamahalaan ng P 100 milyon upang ibili ng lupaing pagtatayuan ng gusali ng PIDS noong nakalipas na unang araw ng Agosto 2013. Ang pondo ay natungo sa CHED upang tustusan ang mga proyekto ng state colleges and universities. Ayon kay Dr. Llanto, may 29 at hindi 25 ang nakinabang sa pondo.
Pinabulaanan din ni Dr. Llanto na itinago sa LandBank ng kanyang tanggapan ang may P 213 milyon. Hindi kailanman binanggit sa ulat ng CoA na nakadeposito lamang ang salapi sa bangko. Ang P 194.2 milyon ay nasa CHED samantalang ang PIDS ay mayroon lamang na P 19.2 milyon.
Ikinalungkot ni Dr. Llanto na ang ulat ng Commission on Audit ay ginamit at ginawang sandigan sa ulat nang hindi man lamang kinilala o binasa ang sagot ng PIDS sa naturang audit report na pormal na tinanggap ng COA.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |